Chapter 29
She needs to be alive! She needs to do something hindi ako susuko! Kahit masakit ang katawan at nanlalabo ang mga mata ay pinilit niya bumangon. Bawat galaw niya ay napapamura si Marzena sa sakit. She feels so ashamed to face Dane, Seam, Mazu, Ericka, Llyr, and Kione. Ang hina-hina kasi niya pero ang mga ito ay kay lalakas namumukod tangi na naiiba siya.
Kahit nahihirapan ay nakuha pa rin niya makatayo, pa-ika ika siyang naglakad papuntang pinto. Nakaka-ilang hakbang palang siya ay biglang lumala ang paglabo ng mata niya na naging dahilan ng pagbagsak niya sa malamig na sahig.
Ramdam niya ang lamig na bumabalot sa katawan niya at nararamdaman na rin niya na kinakapos na siya sa hininga. Masakit na masakit na ang katawan niya, may mahapdi na din na parte nang katawan niya, hindi na rin niya ramdam ang mga daliri sa kamay niya tila tuluyan nang namanhid ang buong katawan niya sa lala ng natamo niya at bago pa siya makahingi ng saklolo ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nagising si Marzena na namamanhid ang buong katawan niya nang imulat niya ang kanyang mga mata, napangiwi siya sa sakit na nararamdaman ng subukan niyang igalaw ang katawan. Mahinang napaigik siya at mahinang napamura habang unti-unting bumabalik sa kaniya ang alaala ng mga nangyari kung bakit siya nasa ganoong kalagayan.
Those goodbyes from Dane and Seam, her throwing some punch in the punching bag, Annaleigh showing up in the middle of her training with those other participants of the Duellum, their changing of words, until how they beat her hard until she coughed blood, and her fainting in the cold ground of Training Ground.
Siguro ay si Ericka ang nagdala sa kanya dito.
Malakas siyang napabuntong hininga saka inilibot ang tingin sa kabuoang ng silid. Walang tao roon maliban sa kaniya at sa batang tahimik na natutulog sa tabi niya- it's Llyr. She missed this kid but she frowned when Marzena felt something wrong in Llyr. She checked the kid's body, slowly, and she's right. May maliit na pasa sa mukha ang bata.
God! Who did this to Llyr?
Malabo naman na makuha nito ang pasa dahil sa pagsasanay dahil ipinangako sa kaniya ng trainer nina Llyr at Daleka na hindi niya sasaktan ang bata. Then where did Llyr get those bruises?
Gumalaw ang bata sa tabi niya. "Ate..." Tawag sa kaniya ni Llyr na kakagising lang sa tabi niya. Naupo ito habang kinukusot ang mata nito gamit ang maliliit nitong kamay. "Are you okay? Ate sino gumawa sa iyo ng ganun?"
Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito, umiisip siya nang maaaring idahilan dito. Ayaw niya na pati ito ay madamay sa kanya.
Marzena gave the kid a warm smile. "I'm fine. Wag ka mag alala kay Ate, malakas kaya ako." Aniya balak pa sana niya itaas ang dalawang kamay para ipakita rito na malakas siya ngunit mahinang daing ang nagawa niya.
Hell!
Talagang bugbog na bugbog ang katawan niya. Kahit konting galaw lang ang gawin niya ay para nang dinaanan ng sasakyan ang katawan niya sa sobrang sakit.
Llyr stood up while smiling. "Yes. You're so strong like a superhero!" Ani ng bata at bumaba ng kama saka itinaas ang isang kamay na para isa siyang hero.
Marzena wants to tell Llyr that she's not a superhero like what she said. She's a weakling. Ni hindi nga siya nakalaban sa gumawa niyon sa kanya.
Marzena called Llyr. "Llyr?"
Llyr stopped running and glanced at her. "Yes po?" she asked.
She blew a loud breath. "Tell me the truth... where did you get those bruises on your face?"
The kid froze. Hindi agad ito nakagalaw sa kinatatayuan nito dahil sa tanong niya. Lumaki ang mata nito na tumingin sa kaniya na animo hindi alam kung sasabihin ba sa kanya ang totoo o hindi. She looks at the kid with her big eyes but she wants to know the truth.
"A-ano Ate wala po i-ito." Kinakabahan na sagot nito sa kanya.
She looked at Llyr directly in her eyes. "Truth. The truth Llyr." She said, flatly.
Nagbaba ito ng tingin at ilan segundo lang ay humarap ulit ito sa kaniya na tahimik nang lumuluha. Bigla bumigat ang dibdib niya dahil sa nakikita niya.
Sumenyas sila sa bata na lumapit ito sa kanya na sumunod naman nito. Agad niyang niyakap si Llyr ng makalapit na ito, kahit na sumasakit ang katawan niya ay pinilit niya pa rin ang sarili na mabigyan ng mahigpit na yakap ang bata.
Tinapik tapik niya ang likod nito para pakalmahin ito. "Shh... it's okay Llyr. Tell me why you have those bruises?" mahinahon na tanong niya dito.
Humikbi ito bago bumitaw sa kaniya at saka siya hinarap. "I-it's Annaleigh and M-Morgayne, they told me that she will kill me in Duellum because I called Sir Kione a Kuya and not Sir. Ate bad siya pati si Sir Kione hindi na siya yung lalaki na nakasama natin sa parade na mabait. Ayaw ko sa kanila lalo na kay Sir Kione, Ate, galit ako sa kanila. Bad sila. Sinaktan nila ako kahit wala naman ako ginagawa sa kanila." Mas lalong lumakas ang hagulgol nito at mahigpit siya nitong niyakap.
Ohh! God! Tila nanlamig siya sa narinig hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ayaw niya iyon paniwalaan pero alam ni Marzena sa sarili niya na kayang gawin ni Annaleigh at ng grupo nito ang sinabi ng bata. She gritted her teeth in anger. Sumosobra na ang mga ito.
Ayos lang kung siya ang saktan basta wag lang si Llyr dahil parang kapatid na niya ito. Ang sakit na makita ito na umiiyak at nasasaktan, doble ang sakit pagdating sa kanya. Ang bigat sa dibdib.
Kione. He's not the man who she knew in the parade. Isa lang ang alam ko nagbago na ito. Hinayaan nito si Llyr na masaktan kahit na alam nito kung gaano kalapit sa kaniya ang bata at parang hindi rin ito naging malapit sa lalaki.
Siguro nga hindi ko pa talaga tuluyang kilala ang isang Kione Cunninghum. Pero ipinapangako ko na ibabalik ko sa kanila ang ginawa nilang pananakit sa kanya at kay Llyr.
"I'm sorry kung wala si Ate Marzena nung mga oras na 'yon. Sorry kung mahina ako, kung hindi kita kaya ipagtanggol sa kanila. Pero Llyr simula ngayon magpapalakas ako para hindi na nila tayo tapakan at saktan na para tayong isang insekto na naligaw sa kanilang bakuran." Kinuyom niya ang mga kamao para mabawasan ang mabigat na nakadagan sa dibdib niya.
She needs to be stronger so no one can hurt her and Llyr like this. Pagkalabas niya sa kuwarto na ito ibubuhos niya ang lahat ng oras niya sa pagsasanay.
A warm little hand, hold her hand and squeeze it. "You're strong for me, Ate Marzena. Ikaw ang superhero ko. You're giving me hope, a hope to live...."
Her heart is in such pain but knowing that she has Llyr, Dane, Seam, Ericka, and Mazu here beside her makes her feel alright somehow.
She missed her parents and her two little siblings-- Nova and Cora. Her heart aches when she's thinking of his family.