Chapter 28
Betrayal. That's the first thing Marzena feels right now. For there to be betrayed, there would have had to be trust first. Between Kione and her. Maybe this is his strategy in Duellum. Make her fall in love with him then... boom... he will leave her like a loser and broken.
"Ouch!" Napaigik siya sa sakit ng may malakas na sipa ang tumama sa braso niya. Masakit. Sobrang sakit pero mas nangibabaw ang sakit na nararamdaman nang puso niya.
Mabilis na dinaluhan siya ni Dane, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaniya. "I'm sorry... Are you okay?"
Hindi! Hindi siya okay... Masyado pa sariwa ang lahat sa kaniya. Pero kailangan niya isantabi ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Wala siyang oras para isipin ang nagdurugong puso niya. May magulang at mga kapatid siya na umaasa sa kanya na mananalo siya. She needs to be strong, but before that she needs to forget Kione. Forget the love she had for that man who hurt her so bad. This is also her fault kung bakit nasasaktan siya ngayon. Kung hindi siya naging marupok at hindi niya ito pinapasok sa buhay niya ay hindi siya masasaktan ng ganito ngayon.
Ngumiti siya sa kaharap kahit na pilit lamang iyon. Ayaw niya mag alala si Dane sa kanya. "I'm fine." She says.
Dane blows a loud breath. Lumapit pa ito sa kaniya na seryoso ang mukha na nakaharap sa kanya. "Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo kaya hindi mo napansin ang pag-atake na ginawa ko sayo. I know na nasasaktan ka pero tandaan mo Marzena hindi ito ang oras para roon. You need to focus." Dane says, seriously. Marahan na tinapik nito ang balikat niya at saka siya nginitian ng totoo. "Maraming umaasa sa iyo ngayon, Marzena. Kalimutan mo muna ang mga problema at sakit na kinakaharap mo ngayon. Konting panahon lang ang ibinigay sa inyo para magsanay para sa parating na Duellum. You need to win... Kaya seryosohin mo ang training."
Totoo lahat ang sinabi ni Dane. Hindi ito ang oras para isipin niya ang nagdurugong puso niya may mahalagang bagay pa na kailangan siyang gawin at iyon ang magsanay ng mabuti. Hindi niya nakakalimutan kung ano ang ginagawa niya rito sa Mordecai.
They don't have enough time to waste. Gagawin niya ang lahat para lumakas sa apat na linggo. Kung kailangan na oras oras ay magsanay ay gagawin niya.
"Let's start again," Dane says.
Pumusisyon siya at si Dane. Unang umatake sa kaniya ang babae. Sinasalag niya ang mga suntok at sipa na binabato nito sa kanya. Hindi naman iyon malakas at mabilis kaya nakakasalag pa siya pero hindi maiwasan na matamaan at nadaplisan siya. Tinanggap niya ng buong buo ang sakit ng bawat suntok na ibinibigay sa kanya ni Dane. Ito ang paraan para lumakas siya. Hindi naman siya lalakas kung hindi siya makakaramdam ng sakit.
After their sparing they take a break. Lumabas muna si Dane dahil kinausap ito ni Seam kaya siya naman ay uminom lang at bumalik na ulit sa training. Kasama niya ang ibang kalahok ng Duellum pero hindi niya binigyan ng panahon ang mga kasama niya. At ganun din naman ang mga iyon sa kanya.
She does some exercises to make her stamina stronger. In the first level-- 40 punches, 10 push-ups, 20 squats, 10 plank jumps in, 20 climbers, 20 back kicks, 20 triangle crunches, 20 bridge taps, and 20 air bike crunches. Medyo nahirapan pa siya dahil ito ang unang beses na ginawa niya ang ganoong lebel ng exercises. Pero desidido siya kaya kahit nanibago ang katawan niya ay ginawa pa rin niya.
Nawala ang ingay sa paligid na ikina pagtaka niya. Maingay kanina gawa ng mga boses na napapagod at nahihirapan. Hindi siya huminto hinayaan niya ang paligid niya na tumahimik. Baka mga nagpapahinga na ang mga kasama niya at lumabas na.
Marzena does another set of exercises. Pag-inom lang ng tubig at pagpahid ng pawis lang ang pahinga niya.
Someone called her name.
"Marzena!"
Nang tingnan niya ang pinanggalingan ng boses ay nakita niya si Dane at Seam na tumatakbo papunta sa gawi niya. Kita sa mga mukha nito ang lungkot na pinagtaka niya. May nangyari ba na masama?
"Hindi muna kita matutulungan sa pagsasanay dahil may kailangan akong asikasuhin pero wag kang mag-alala sa susunod na araw ay babalik din naman ako," Dain said, sadly.
Kung ganon ay mukhang mag-isa lang muna siya magsasanay. Siguro ay importante talaga ang aayusin nito dahil kailangan pa nito na umalis para ayusin ang problema.
She nodded. "Ganun ba. Mag iingat ka Dane." Aniya sa babae saka binigyan ito ng isang mahigpit na yakap at pagkatapos ay nginitian. Nilingon niya si Seam na tahimik lang sa likod ni Dane. "Sasama ka ba sa kanya?" tanong niya dito.
Nakapagtataka ang pagiging tahimik ni Seam. Laging masaya at maingay ito pero ngayon ay hindi niya makita ang ugali nito na ganon. Seryoso at tahimik si Seam nakakapanibago pero hindi siya nagtanong dito, baka may mabigat na problema lang ito kaya ganun na lang ang ipinapakita nito sa kanya.
Seam silently nodded. Hindi ito kumibo sa halip ay walang paalam na lumabas ito sa Training area.
She looked at Dane. "Ayos lang ba si Seam?" Aniya dito na may pag aalala.
Kaibigan na ang turing niya rito kaya nag aalala siya sa ipinapakita nito.
"Ayos lang ang isang 'yon. Wag mo na problemahin si Seam ang isipin mo ay ang pagsasanay mo. Mag-iingat ka Marzena. Magkita na lang tayo sa pagbalik namin." Ani Dane sa kanya. "Mauna na ako. Hinihintay na kami ng sasakyan." Niyakap siya ni Dane bago tuluyang nagpaalam sa kaniya.
Nag-iisa siya ngayon. Wala si Ericka at Mazu dahil humarap ang mga ito sa Councils para ipaalam ang totoong kasarian ni Allerick na ngayon ay si Ericka na. Habang si Llyr naman ay kasama si Daleka-- na galing din sa Ward 17. Ito ang kasama nang bata sa pag-eensayo, balak nga niya ito isama pero hindi siya hinayaan ni Mazu sa gusto niya kaya naman pumayag na siya. Babalik naman ito sa kanya mamaya pagkatapos ng training nito.
Nagpunta siya sa kabilang gilid ng Training Ground kung saan naroroon ang punching bag. She threw some punches, right hand, left hand, then three punch combo. Hindi man ganun kalakas ang mga pinapakawalan niyang suntok ay alam niya balang araw ay lalakas din ang mga iyon, pagbutihin lang niya ang pag-eensayo niya.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng Training Ground at pumasok roon ang kahuli hulihan na tao na ayaw niya makita sa mga oras na iyon-- Annaleigh. Rinig ng dalawang tenga niya ang mga yapak ng sapatos ng mga kasama nito.
Hindi niya pinansin ang mga ito sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagsuntok sa punching bag sa harap niya. Pero mukhang hindi pagsasanay ang sinadya ng mga ito kung hindi siya.
Nahinto ang pagsuntok niya ng may humawak sa punching bag na ginagamit niya. Marzena knows these guys, naalala niya na sila ang grupo na nakita niya nung araw na ipakilala ang mga ito sa kanila. Ang lalaki na humawak sa punching bag ay si Tybalt na nagmula sa Kestramore( 2 Ward) ang kasama ni Annaleigh.
"What do you need from me?" She asked them. Umayos siya ng tindig at saka inilibot ang tingin sa mga kasama nito. Nasa anim ang mga ito ang ibang mukha ay hindi niya matandaan ang pangalan.
Gusto niya burahin ang ngisi sa labi ni Annaleigh. Hindi niya gusto ang pagngisi na ipinapakita nito sa kanya. Alam niya na may pinaplano ang mga ito sa kaniya at hindi niya nagugustuhan ito.
"Well... Someone told us that you like my babe and I think you already know him."
She stayed quiet. Dahil una hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa babae. She was wondering how did Annaleigh know that she like Kione, malabo naman na si Dane ang nasabi niyon dahil malaki ang tiwala niya kay Dane sa mga sikreto niya.
Annaleigh steps forward kaya naman napaatras siya. Natawa ito dahil doon. Damn it. Pinalibutan siya ng mga kasama ni Annaleigh, masaya ang mga ito habang pinapatunog ang mga daliri. Nalilito na pinanood niya ang mga ito.
Annaleigh grinned. "Ohh... look at her. She looked like a damn kitten who doesn't know how to meow." She clenched her jaw.
Ayaw niya ng gulo na maaari niyang ikapahamak. Kaya hanggat makakaiwas siya ay gagawin niya.
"Don't come near me!" She shouted. But they didn't listen. Sabay sabay na lumapit ang mga ito kaya naman dali dali siya humanap ng malulusutan niya para makatakas sa mga ito.
Marzena know na kaduwagan ang gagawin niyang pagtakas sa mga ito pero hindi niyo rin naman siya masisisi na gusto niya ng tahimik na buhay hanggang mag-umpisa ang Duellum, na alam niya na malabo mangyari hangga't nakikita at nakasalubong niya sina Kione at Annaleigh. At alam na alam din niya na hindi siya titigilan ng mga ito lalo na ng babae dahil alam nito na may gusto siya kay Kione.
Nang may nakita siya na maaaring lusutan ay naghanda siya bago takbuhin ang pagitan na iyon. Pero bago pa man niya iyon magawa ay may malakas na kamay na humitak sa buhok niya na ikinatigil niya.
"Don't ever think about escaping us, Marzena because you can't." Anito habang hawak hawak parin ng mahigpit ang buhok niya.
Napaigik siya ng hitakin siya nito papunta sa gitna ng Training Ground. "Let me go! Please... Annaleigh let go of my hair. It hurts...please.." Kahit anong paki usap niya sa babae ay tila naging bingi ito sa mga pakiusap niya.
"Morgayne may naririnig ka ba? Para kasing may nagsasalita?" Nang-aasar na sabi nito sa kaniya bago siya padabog na bitawan.
"Maybe you heard some bees, buzzing all around."
Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito kaya naman tumama ang ulo niya sa may katigasan na sahig dahil sa lakas nang ginawa nitong pagbitaw sa kaniya.
Fuck!
Napa-igik siya sa sakit. Hindi pa siya agad nakagalaw ng makaramdam siya ng hilo dahil sa lakas ng pagtama ng ulo niya. Hindi pa man siya tuluyang makakabawi sa pagkahilo ay may humitak sa kwelyo niya at sapilitan na pinatayo siya.
"You're such a weakling." Ani Annaleigh sa kanya. Hawak siya ng dalawang lalaki na kasama nito kaya kahit anong palag ang gawin niya ay hindi siya makakawala sa mahigpit na hawak ng dalawa. "I want to tell you something. Alam mo ba matagal na akong galit sa'yo dahil una palang ay masyado ka nang papansin kay Kione, pangalawa nakakawalang gana ang presensya mo. Kung umasta ka parang ang taas taas mo pero galing ka lang naman sa mahirap at walang kwentang ward."
Kumuyom ang dalawang kamao niya at ang mukha niya ay tila pinagsukluban ng langit at lupa. Madilim na madilim iyon. She began to move her hands and punch the guy in her side. Dahil doon ay nabitawan siya nito at sinunod naman niya ang isa. Mabilis itong nakaiwas at sinalag ang suntok na pinakawalan niya.
"Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa Ellesmere." Galit na sabi niya.
Tinawanan lang siya ni Annaleigh. "Why would I do that? Totoo naman ang sinabi ko na walang kwenta ang Ellesmere... ang ward fifteen. Sige na pahirapan niyo na 'yan." At dahil doon ay sabay sabay na sumugod ang kasama nito.
Damn! Hindi niya kaya ang mga ito kung sabay sabay na susugot sa kaniya ang kasama nito. Wala siyang laban pero hindi naman siya maaaring hindi lumaban. Kahit alam niya na lamang ang mga ito sa kaniya ay lumaban pa rin siya.
"Ano Marzena.. kaya mo pa ba?" Nangtutukso na tanong sa kanya.
Nagpaulan ng suntok at sipa ang mga ito, sabay sabay hindi niya nasalag ang iba kaya naman tumama iyon sa kanya- sa braso, tiyan, at hita. Kahit nanghihina ay pinilit niya lumaban pero hindi niya na kaya.
"Morgayne, checked the door. Hayaan mo na sila Tybalt sa mahina na babae na 'yan. Hindi naman iyan makakatakas." Narinig niyang utos ni Annaleigh sa babaeng nagngangalan na Morgayne.
Galit siya. Hindi sa mga ito kung hindi sa sarili niya. Napaka hina niya ni hindi man lang siya makalaban sa mga ito. Nakakahiya siya para sa Ellesmere ni hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang Ward nila.
"Stop..." Kahit nanghihina ay nagawa pa rin niya magsalita. "J-just stop."
Annaleigh glanced at her. "Don't listen to her. Continue what you're doing guys."
Mukhang wala talaga mga balak ang mga ito na itigil ang pagbugbog sa kaniya kaya naman tinanggap na lang niya ang malalakas na suntok at sipa ng mga lalaki.
Please someone help me...
Si Dane at Seam na lang ang pag asa niya na tutulong sa kanya pero wala ang mga ito.
Kione.. help me.
Ilang beses siya nagdasal pero hindi ito dumating. Walang Kione na nagpakita at tumulong sa kanya.
Nagdudugo na ang bibig niya at ramdam na rin niya ang pamamanhid ng hita at ang mga kamay niya. Masakit na rin ang tiyan niya dahil sa mga natatanggap niyang suntok at sipa.
Ilang minuto pa ay hindi na niya napigilan ang sarili na napa-ubo tinakpan niya ang bibig pero may naramdaman siyang mainit na bagay na nagmula sa bibig niya. Nang tingnan niya iyon ay lumukob ang takot sa kanya-- its blood.
"Gosh! We need to go!" Morgayne said, panicky.
Parang hindi narinig ng mga lalaki ang sinabi ni Morgayne dahil tuloy tuloy pa rin ang mga ito sa pananakit sa kanya. Wala rin pakialam ang anim kahit na umubo na siya ng dugo. They are so heartless. How can they do that?
"Annaleigh! They need to stop! Someone is coming, we need to get out of here! ASAP!"
"Geez... You're so annoying. Okay fine! Guys let's go!" Annaleigh rolled his eyes before walking away from her but she stopped in front of the door.
Naglakad ito pabalik kung nasaan siya. Naupo ito at saka pilit siyang pinapaharap. "Remember this Marzena. Don't come near Kione, he's mine. Mine alone." Anito at padaskol na binitawan ang baba niya. Sa huling pagkakataon ay malakas na sinipa niti ang tiyan niya na mas ikinaubo niya at walang pag aalinlangan na lumabas ito ng silid.
Hell! It's hurt-- her heart and body. She wants to cry but she promises to herself that this would be the last time na iiyak siya.
Ilang beses pa ulit siya umubo at lahat ng ubo niya ay may kasama nang dugo. All she can do is cry in the middle of this training ground.
Hinayaan niya tumulo ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Ganito ba talaga? Pag mahina ka ay aapihin, aalilain at mamaliitin ka lang, at pag malakas ka ay saka ka lang igagalang. Damn. Why are the people so unfair?!
She cried and cried and cried. Kinapa niya ang dibdib ng maramdaman niya na para siyang kinakapos sa hininga. Ito na ba ang magiging katapusan niya?
Please God helps me hindi ako maaaring mamatay. Marami pa akong kailangan patunayan sa lahat. Marami pa akong gustong gawin. Please help me... Please. I beg you.