Chapter 8
Nagtatakang tumingin siya kay Allerick ng humiyaw ito. Masakit sa tenga ang ginawa nitong pagsigaw lalo na at ang tinis ng boses nito. Nakita niya ang lalaki na nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig. Dammit! He shouts like a gay. Is he gay?
"You?" mahinang sabi ni Marzena at hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Damn ilan ba ang gay na kasama niya. Wala naman siyang masama na iniisip about gays, dahil may kaibigan din siyang bakla. Pero nakakagulat lang.
"Marzena! Help me! Pigilan mo sila!!!" Allerick hysterically shouts at her.
Doon lang siya tuluyang nagising nang tinawag siya ng lalaki. Agad siyang lumapit sa dalawang babae na nagpapalitan ng suntok.
"Don't come near us, Marzena. Let me hurt this b***h," Dane stops her. "Alam mo ba na matagal ko ng inaantay na mangyari ang bagay na 'to," anito sa kanya.
Naglayo ang dalawa at pumusisyon. Itinaas ng dalawa ang parehong kamay at tila inihahanda ang mga kamao para sumuntok.
"You don't have any idea kung anong pinagdaanan namin ng kapatid ko nang dahil sa'yo. Nang dahil sa kalandian mo nasira ang buhay namin. Itinuring kitang kaibigan pero anong ginawa mo, trinaydor mo kami. Iniwan mo ang kapatid ko na hirap na hirap at naghihingalo para ano? Para sa kalandian mo. You are just too greedy for your own good," Dane said, outraged.
Marzena put in her mind that she wouldn't ever provoke Dane if you didn't want to face her wrath. Dane is a good fighter, Marzena can see that. She can see it all in Dane's stance and stamina. Dane is not just a good fighter but a skilled one.
"Ahhh!! You cold-hearted b***h!" Hiyaw ni Carly. Galit na galit na sinugod nito si Dane.
Nagpaulan ito ng suntok pero ni hindi man lang ito natamaan si Dane ni isang beses. Nakangisi si Dane habang ang mga kamay nito ay nakapamulsa na umiilag sa bawat pinapakawalan na suntok ng kalaban nito.
"Fight me! Why are you scared of me, coward?!"
Oh no! Marzena can see how Dane became more serious when Carly called her a coward. Wrong move...
Susuntukin na sana ni Carly si Dane nang unahan agad nito ang galaw ni Carly. Kita ng dalawang mata niya kung paano iniwas ni Dane ang mukha at agad na sinuntok ang tiyan ng maarteng babae at gamit ang kaliwang paa ay sinipa nito ang tiyan na naging dahilan ng pagbagsak nito sa sahig.
Marzena heard the groans coming from Carly's mouth when Dane hit her. Ouch! Tiyak na masakit iyon, sigurado siya doon dahil rinig na rinig niya ang impact na gawa ng suntok at lakas ng pagbagsak nito.
Someone hold Marzena's arm. "We need to call Seam or Mazu. This is bad baka mapatay ni Dane si Carly," Ani Allerick sa kanya, halata ang takot sa mukha nito.
"Ikaw ang nakaisip then call them," Marzena replied.
Agad na tumakbo naman ito palabas ng training ground. Ang ganda ganda nang napapanood niya e'.
"Ahh!!! My face!"
She heard someone shout. Nakita niya si Carly na hawak ang mukha habang nakatayo ito ilang hakbang ang layo kay Dane. Mabilis na umikot si Dane habang ang isang paa ay nakataas, tinamaan nito si Carly. Napahiga ang si Carly sa sahig, hinintay ni Marzena na gumalaw at bumangon ito pero hindi gumagalaw. Is she dead? Or maybe it's a knockout.
"Damn. Ang bilis naman bumagsak ni hindi man lang ako nag-enjoy," Dane whispered. Para bang nanghihinayang pa ito dahil mabilis nitong napabagsak ang kalaban.
"Wow. I can't believe it. You just finished it in less than 10 minutes," she praised Dane. Marzena looked at Dane, currently sitting in the middle of the room with his both hands on his chin. "You're so ruthless," she said to Dane.
Dane laughed at her. It is the first time she saw her laughing. "Nababagay lang 'yan sa kanya. Alam mo ba na matagal ko nang gustong gawin kay Carly ang bagay na iyan pero ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon. And ang sarap sa pakiramdam," Anito sa kaniya at nahiga sa sahig habang malaki ang ngiti na nakapaskil sa labi.
Halata nga sa mukha nito ang saya. Maybe because of her sister why Dane wanted to do that to Carly.
"Limang taon na ang nakakalipas... pero ngayon lang ulit kami nagkita. Ang tagal na din pala nung nangyari ang masamang panaginip na nangyari sa akin at sa pamilya ko," pagkukuwento nito sa kanya.
Hindi siya nagsalita, tahimik lang siya nakikinig dito. Baka kasi pag nagsalita siya ay huminto ito at hindi na ipagpatuloy ang kinukwento sa kaniya. She wants to know what happened to Dane and her sister back then.
"My little sister died because of Carly. Her name is Kiana. Kiana was already 15 at that time while I and Carly are both 18. Like what Carly said earlier we're ex-best friends."
She can't stop herself from asking Dane. "What happened?"
She can see a single tear escape from his eyes. "She betrays us. She sold Kiana to the Legends leader, pinaglaruan nila ang kapatid ko. Binaboy nila. Pero sakim at masyadong tuso ang Legends, nalaman ko nalang sa mga kasama namin na nag-training din, para mapabilang sa Legends si Carly, Carly use her body, she became a s*x slave of the Legends and in exchange, Carly will be one of the Legends." Mahabang sabi nito.
Fuck! Ang akala niya ay ang Councils lang ang masama, sakim at tuso pero hindi pala.
"Pero bakit ni hindi ko man lang nakita ang pangalan niya sa mga nakapasa?" Aniya.
Nagtataka kasi siya. Kumalat ang pangalan ng mga nakapasa bilang Legends nung mga nakaraang taon, pero wala siyang nakita o maalala man lang na pangalan na Carly. Isa lang ang napatunayan niya sa sinabi nito wala sa tagal at kung gaano mo pinahahalagahan ang isang tao para hindi ka traydor. Traitor always is a traitor.
"Like what I said tuso ang Legends. Pinaniwala at sinabi at lang nila iyon kay Carly pero wala talaga sa plano nila ang ipasa siya sa Legends. That's illegal, tiyak na mapapatalsik ang sino man na gumawa nyan kaya sa halip na maging Legends si Carly ay ipinadala siya ng mga ito para maging isang miyembro ng Mandala Fighter Team. That's why she's here with the Captain."
Iyon pala ang totoong nangyari. Tao nga naman talaga masyadong sakim mapa-bagay man iyon o pansariling kagustuhan. Masyadong mapaghangad ng mga bagay. Pero wala naman sa tama ang mga ginagawa at mga hinahangad.