Chapter 9
Para ba na nabunutan ng tinik ang dibdib ni Dane dahil nailabas na niya ang galit sa puso niya na matagal na niyang kinikimkim kay Carly. Ilang taon din na inantay ni Dane na mangyari ang araw na ito at ngayon nga ay dumating na ang araw na matagal na niyang inaantay na mangyari.
Carly and she are best friends, para na ngang magkapatid ang turingan nilang dalawa pero nagbago iyon nang mangyari ang hindi niya inaasahan na pangyayari na siyang naging bangungot niya sa araw-araw na ginawa ng panginoon. Isang bangungot na ayaw na niyang balikan pa.
Carly betrayed not just her but them.
Flashback
5 years ago...
Makikita mo ang mga malalaking ngiti na hindi mabura bura sa mga labi at ang malalakas na halakhak ng mga tao sa paligid. Excited ang lahat dahil sa nalalapit na exam para maging isang ganap na Legends.
Matagal nang pangarap nina Carly, Dane at nang kapatid niya na si Kiana na maging isang ganap na Legends. Ang pangako nila sa bawat isa ay hindi nila iiwan o kahit talikuran ang isa't isa kung makakapasa man sila o hindi. Basta walang iwanan at mananatili ang pagkakaibigan nila ng walang hanggan. Because, Dane treasures their friendship like gold. A gold that never gets rust.
Dane promised to herself that she wouldn't betray her best friend and her little sister. Ever. Ngunit mukhang sinusubukan talaga ng tadhana ang pagkakaibigan nila...
"Dane!! Dane, you need to come with me!" Humahangos na sabi sa kanya ni Eira ng huminto ito sa harapan niya.
Agad na nagtaka siya dahil sa sinabi nito. Madalang sila mag-usap ni Eira pag oras ng training kaya nagtataka siya kung bakit siya nito sinasama sa hindi niya malaman na dahilan.
"I'm sorry, pero inaantay ko pa kasi si Kiana at Carly, we need to train. Malapit na ang exam," Aniya dito habang kimi siyang nakangiti sa babae na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ang hininga.
Sunod-sunod na umiling ito sa kaniya at malungkot na tiningnan siya. She looked 'sorry'. But why?
"Something happened to Kiana," Eira said, sadly.
Dane's heart started pounding so hard. Kinakabahan at natatakot siya sa hindi niya malaman na dahilan.
"Why? What happened?" Umiwas nang tingin ang babae. "Damn it, Eira. What happened to my sister!" She cannot hold her anger anymore. Hell, it's her sister they are talking about.
Nagbaba ng tingin ang kaharap. "K-Kiana.. she's died. I'm so sorry, Dane."
Tila gumuho ang mundo ni Dane sa narinig niya. H-her sister... No! That's not true, maybe Eira is just joking around. Hindi niya ito magawang paniwalaan at hindi niya ito pinaniniwalaan hanggang hindi niya nakikita ang katawan ng kapatid niya.
Kiana is not dead. She can't leave me alone...
Dane chuckled to ease her emotions. "Eira if you are angry at me, please, huwag mo na isali ang kapatid ko dahil hindi ako naniniwala sayo. Malabong mangyari ang sinasabi mo sa'kin dahil huling kita ko kay Kiana ay ayos at nasa mabuting kalagayan lang siya."
Ayaw ni Dane maniwala dito ni kahit katiting man lang dahil kapag naniwala siya ay parang tinanggap niya na wala na talaga ang kapatid niya. Ang tanging pamilya at kadugo na natitira sa kanya.
Sunod sunod na umiling si Eira sa kanya. "No... Totoo ang mga sinasabi ko, maniwala ka. Nasa Celestial Woods ang bangkay ni Kiana, Dane."
Oras na marinig niya ang Celestial Woods ay agad niyang tinungo ang naturang lugar. She knows that place very well. That place is their favorite training place of Carly and Kiana doesn't know that place.
Dammit!
Habang tinatakbo ni Dane ang papunta sa Calestial wood ay tahimik siyang umuusal ng panalangin na sana ay walang katotohanan ang mga sinasabi sa kanya ni Eira dahil kung may katotohanan man iyon ay hindi na niya alam ang dapat niyang gawin.
Kada may nakasalubong si Dane na katulad nilang nag training ay kita sa mga mukha ng mga ito ang lungkot at pakikiramay sa kanya.
What the hell! She doesn't need their sympathy. Dane needs to see her sister, para patunayan kay Eira na mali ito at hindi pa talaga patay ang kapatid niya.
"Nakakalungkot naman ang nangyari kay Kiana. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Carly lalo na at parang kapatid na ang turing ni Dane at Kiana sa kanya." Dane heard someone said.
Ang kaninang mabilis na takbo niya ay unti-unti na bumagal. Tama ba ang narinig niya na may kinalaman si Carly sa nangyari sa kapatid niya. Malakas ang pandinig niya kaya nasisigurado niya sa hindi siya niloloko ng pandinig niya.
Malaki ang hakbang na nilapitan ni Dane ang dalawang babae na nasa isang gilid at nag-uusap. "What did you say?" Agad na tanong niya sa babae ng huminto siya sa harapan ng mga ito.
The lady faced her. Shocked was written on her face when she saw her, Dane can say that. "A-ano?" natatakot na tanong nito sa kanya.
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung inuulit ang sinasabi ko..." she said, flatly.
Dane can see the fear on the lady's face. Fear? Why? She's just asking and nothing more.
"A-ang sabi sabi nang iba nating kasama ay narinig daw nila ang usapan n-ng mga lower rank Legends na binanggit ang pangalan ni K-Kiana at Carly."
Dane's legs become like a jelly. Nanghihina siya sa galit at lungkot na nararamdaman niya.
"And?" Dane asked again. She wanted to know more.
Hinarap siya nang kasama ng babae at ito ang sumagot sa kaniya. "They're also talking that Carly came up and make a deal on Legends. We're are not sure but ang sabi ay dinala nito si Kiana as a payment, parang binenta niya gano'n, and in exchange they will give a passing mark on her paper on her. Carly, she's so stupid, hindi niya alam na tuso ang Legends," marahan na umiling ang babae pagkatapos iyon sabihin.
Fuck! f**k! f**k!
What did you do to my sister Carly? Galit na sambit niya sa sarili. Gusto niyang magwala pero pinigilan niya ang sarili niya...
Hindi na siya nakapagpasalamat pa sa mga ito at mabilis niya na iniwan ang dalawang babae saka tinakbo ang daan papuntang Celestial Woods.
When Dane enters the woods, lalong tumindi takot na nararamdaman niya at nang pagkabog ng puso niya. Hindi na siya nahirapan pa na makipagsiksikan upang marating ang katawan ng kapatid niya dahil binigyan siya mismo nang daan ng mga tao.
Nanghihina siya na pumunta sa gitna, kung nasaan ang bangkay ng sinasabi na kapatid niya. Ang takot niya ay lalo lang nadagdagan habang palapit siya nang palapit dito. Parang hindi niya kakayanin na makita ang malamig na bangkay ni Kiana pero inipon niya lahat ng lakas ng loob na mayroon siya sa katawan para lumapit.
Sa mga oras na iyon ay isa lang ang nararamdaman ni Dane- galit. Galit sa mga tao na walang awang gumawa ng ganoong klase ng kahalimawan sa kapatid niya. Galit na unting unti bumabalot sa pagkatao niya.
Nayanig ang buong mundo ni Dane ng makita niya ang katawan ng isang babae na hubod-hubad at puno ng pasa at sugat ang buong katawan.
Her sister...