Napaluha na lamang siya. Naramdaman niya ang paggalaw ni Terrence at huli na ng mapagtantong hahalikan siya nito. Sumimsim ang malambot nitong labi saka tuluyan siyang hinagkan nito. "Mahal kita Grace, sana kaya mo rin akong mahalin," sambit ni Terrence matapos ng halik na ginawad nito. Muli itong tumitig sa kaniya saka pinahid ang luha niya. "Please mahalin mo rin ako. Pangako, hinding-hindi kita sasaktan." Dagdag pa nito na mas lalong nagpaiyak sa kaniya. "Shhhhh. I hate seeing you crying. Please." Sumamong turan nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nito napigilang sagutin din ito. "Mahal na rin kita, natatakot akong baka--baka mas masaktan ako sa pagkakataong ito," sambit. Kita ang saya sa mukha ni Terrence sa kaniyang sinabi. "