Matapos ng kasiyahan nila ay napasilip siya sa kaniyang relo. Kaytagal ng oras. Balak niyang puntahan si Grace sa trabaho nito. She wanna surprise her. Katok sa pintuhan ang gumambala sa kaniyang paghihintay. Sumungaw doon ang mukha ng kaniyang masipag na sekretarya. "Sir, nandito na po iyong pinaorder mong bulaklak," anito kasabay ng pagsilay ng ngiti nito. "Okay thanks Maricar. I will pick it up on your table," aniya saka inayos ang gamit niya. Hindi niya maiwasang ma-excite. Tila bumabalik siya sa pagiging teenager na nanliligaw ng babae. But this time, she wants that girl to be her wife. Trenta minutos bago mag-alas kuwatro ay lumabas na siya ng opisina at dinaanan ang bulaklak na pinadeliver ng sekretarya sa pinakamalapit na flower shop