Nang tumunog ang cellphone nito ay agad nitong sinagot. Maya-maya ay bumulong na sumagot ito. Nang ibaba noon ang tawag ay agad itong ngumiti sa kaniya. "I know your wondering why you're here. Gusto mo na bang malaman?" Excited na saad nito. Hinila na siya nito ng silid na iyon. Nagpatianod na lamang siya at paglabas sa pool area ng resorts na iyon ay napuno ng bulaklak at naroroon na ang mga magulang niya at ni Terrence. Mas lalong nanlaki ang mata ng makita roon si Lawrence. Ang ama ay kampanteng kausap ang papa ni Terrence maging ang inang niya ay kausap ang ilang kababaihang kasama ng mama ni Terrence. Hindi niya makita si Terrence sa lugar kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Maya-maya ay sumenyas si Tanya sa isang lalaki. "Anong gaga-," put