ILANG ARAW pa lamang mula nang makaalis si Travis papuntang Japan ay hindi maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman. Mukhang nami-miss ito. "Mommy, sa tingin niyo po. Miss din tayo ni daddy?" Tanong ng anak na mas lalong kinalungkot niya. "Oo naman anak, lalo ka na.." aniya sabay haplos ng buhok nito. Sa katunayan ay inabala na lamang ang sarili sa pag-empake sa gamit nilang mag-ina dahil pagbalik ni Travis mula sa three business trip nito sa Japan ay lilipat na sila sa Antipolo. "Miss na miss ko na rin si daddy." Malungkot na turan nito. "Hayaan mo, bukas na bukas ay nandito na si daddy mo." Aniya para di ito tuluyang malungkot. "Oh siya, isasama na namin ng tiyang mo itong si Nicole. Tapusin mo na ang pag-eempake mo. Kailangan na naming umalis dahil baka abala na doon ang tiyong mo