BATID NI TRAVIS ang lungkot sa mukha ni Nikka habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Lalo na nang makita nila ang matandang may padyak. Marahil ay naalala nito ang kaniyang kabataan at nang muling lingunin nito ay nakitang natulo na ang luha nito dahilan para kabigin ang sasakyan sa gilid ng daan upang payapain ito. "Its okay..." aniya habang yakap-yakap ito at hagod sa likod nito. Habang ginagawa iyon ay pinangako sa sariling hinding-hindi na nito mararanasan ang hirap na dinanas noon. Nang medyo mahimasmasan si Nikka ay kumalas siya sa pagkakayakap ni Travis. "Thank you.." pilit na ngiti rito. "Its okay, I know there's a lot of memories in this place..okay lang na umiyak paminsan-minsan." Saad pa niya rito. "Hindi ko lang kasi napigilan ng makita ko iyong matanda at iyon