HINDI NAMALAYAN na tapos na ang seremonyas dahil lahat ng atensyon ay kay Nikka lang. Masayang masaya siya habang nakikita itong tuwang-tuwa para sa kababata. And he couldn't wait to see her walking down the aisle as he waited for her. Sa pagkakataong iyon ay handa na, handa na siyang patali kay Nikka at bumuo ng pamilya kasama ito. "Congratulations.." maligayang bati ng lahat na naroroon. Doon nakitang nakatayo na pala sila at si Nikka. Mabilis nila itong binati at nakipagkuhanan ng picture. Ang mga kaibigan ay panay pa rin ang parinig sa kaniya tungkol sa nakikitang sweetness niya kay Nikka at maging si Giezl ay mqpanukso ang tingin nito sa kanila ng kababata nito. Hanggang sa reception ay halos hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Dahilan para mas lalong asarin sila ng mga kaibigan.