KINABUKASAN ay maagang nagising si Nikka. Napangiti na lamang siya nang makitang mahimbing na natutulog sa tabi si Travis. Agad na tinungo ang banyo at sa mdicine cabinet ay agad na inabot ang pinabili kay Rose noong nakaraan. Nanginginig pa ang kamay habang tinitignan iyon saka mabilis na ginamit iyon. Para siyang pinagpapawisan ng malapot at init na init habang hinihintay iyon at nang makita ang resulta ay halos manlaki ang mata. Agad na tinago iyon saka naligo upang makapaghanda na ng almusal nila. Paglabas ng banyo ay tulog pa rin si Travis at mukhang ngayon lang din nabawi ng tulog. Nangingiting linapitan ito saka hinalikan ngunit bigla na lamang siya nitong hinila. "Ayyy.." di napigilang tili dahil sa pagkabigla lalo pa at medyo basa pa siya at nakabalot lang siya ng kaniyang roba.