PAGKATAPOS NGA ng mesa ay tinungo na nila ang mall na sinabing pagtatagpuan nila. Pinasundo rin ni Travis sina Aprille at anak sa drayber nila dahil hindi naman masyadong gamay ng ex-girlfriend ang magbiyahe ng public transportation lalong lalo na ang mga lugar sa labas ng Maynila. Nang makarating sa sinabing tagpuan ay naroroon na ang mag-ina. Ginagap niya ang palad ni Nikka. Agad naman itong tumingin sa kaniya kasabay ng pagngiti nito na tila sinasabing okay lang ito. Napangiti na lamang si Nikka. "Are you okay?" Paninigurado rito. Ngumiti na rin si Travis saka hinawakan ang kamay nilang mag-ina. Patungo sa mag-inang naghihintay sa kanila. Nakitang agad na ngumiti si Aprille nang makita sila. Wala itong suot na wig maliban sa tela sa ulo na tila isang turban. May design at mukhang bu