HILAM NG LUHA ang kaniyang mukha nang ihinto ang kaniyang sasakyan. Agad na hinagilap ang cellphone at tinawagan si Nikka. "Hel—lo..." paos na tinig. "Tra—vis...wait! Umiiyak ka ba? Nasaan ka?" Ang nag-aalala nitong tinig. "I'm so sorry...sorry duwag ako! Duwag ako..." iyak ng iyal na turan. "No...come home. Pag-usapan natin ito." Alala pa ring tinig ni Nikka. "Ang babae sa restaurant....siya ang tunay kong nanay. Ang inang nang iwan sa akin noong sanggol pa ako at inang pinagtabuyan ako noong bata pa lamang ako." Tila batang sumbong rito. Napamaang na lamang si Nikka. Hindi kasi nakita ang hitsura ng babae at ayon sa suot nito ay tila dalaga kaya iba agad ang naisip. "Asaan ka?" Tanong rito. "Sa daan, Nikka...I love you..." turan nito dahilan para mas lalo siyang mag-alala rito. "