Chapter 41: Trip to La Union

1952 Words

PAGDATING ng biyernes ng gabi ay dalawang sasakyan silang nagbiyahe pa La Union. Masayang masaya si Nikka dahil kahit papaano ay napapasunod si Travis sa gusto lalo na nang sabihing ito na ang mama nito ang sasama sa mga bata sa likuran ng sasakyan nito kasama si Rose. Aangal pa sana ito pero nang titigan ay nakitang nagyuko ito saka sumang-ayon. Pati si Rose ay napapangiti dahil tila ito tupang nasunod na lamang. Batid niyang konting lapit pa sa ina nito ay matatanggap na nitong tuluyan. Nakausap na niya ito nang masinsinan at naiintindihan niya ito. Hindi man buo pero kahit papaano. Mas mainam na iyon keysa naman habambuhay silang mag-ina na hindi magkikibuan.  "Handa na ba ang mga prinsesa namin sa mahaba-habang biyahe?" Tanong kina Nicole at Tatiana.  "Yes mommy.." sagot ng dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD