"Magkakilala kayo?" Iyon ang unang naging tanong ni Lincoln. Nakatalikod si Fauleen kay hindi niya kita ang mukha nito. Kinagat niya ang labi at saka kinalma ang sarili. Sinamaan niya pa muna ng tingin ang kanyang tiyahin bago binalingan ang kanyang amo. "Hindi po, Sir. May tinatanong lang po si Ma'am." Tipid siyang ngumiti rito bago binalingan ang kanyang tita. "Sige po, Maam." Pinanlakihan niya ulit ito ng mga mata bago siya yumuko at bumalik na sa inuupuan niya kanina. Lihim na pinagmasdan niya lang si Lincoln at ang kanyang Tita na nagkatitigan pa. Nakita niya ang hilaw na pagngiti ng kanyang Tita Ave. "Thank you, miss. I shall go now," sabi pa nito at may gana pang ngitian si Lincoln. Lihim na lang siyang napairap. Halos masabunutan niya ang kanyang sarili. Muntikan na. Munt

