Kinabukasan, maagang nagising si Fauleen. Mabuti na lang talaga at maaga siya natulog kagabi dahil kung hindi ay baka na-late na naman siya ng gising. Patay na naman siya kung sakali. Halos mag-aalas siyete pa lang ng umaga nang magising siya at kaagad siyang naligo at naghanda na para sa trabaho. Kasalukuyan siyang nasa kusina at tumutulong sa tagaluto nila. Hindi pa naman kasi raw gising si Lincoln kaya hindi na muna niya tinimpla ang kape nito at baka lumamig. Nagsasabi naman ang mayor doma nila pag nagising na ito kay may oras pa siyang magtimpla. "Ano pa pong magagawa ko?" tanong niya sa kasama nilang naghuhugas na noon ng mga pinaggamitan nila. "Iyong mga tinapay na lang Fauleen, pakiayos na sa lamesa." Agad niyang tinanguan ito at kinuha na ang tinapay sa may bar counter. Lum

