Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Fauleen habang nakatulala siya sa itaas ng kanyang double-deck. Nakagat niya ang kanyang labi at saka kinuha ang kanyang cell phone na nasa tabi lang ng kanyang unan. Mag-aalas-dose na pero ito siya at dilat na silat pa rin. Tulog na si Wena na nasa single bed. Ang nasa itaas naman niya na si Jena ay katutulog lang din matapos nitong makipagtelebabad sa nobyo. Ewan ba niya, hindi talaga siya makaramdam ng antok. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit hindi siya makatulog. Hindi naman siya namamahay kasi nakatulog naman siya nang maayos kagabi. Dahil sa nangyari kanina? Well, probably. Inis pa rin kasi siya sa nangyari hanggang sa pagpasok niya sa guest house nila. Bwisit na bwisit lang siyang isipin na iyong Sally na iyon ang talagang sisira pa

