Chapter 19

2246 Words

Humihikab pa si Fauleen nang lumabas siya sa quarters nila kinabukasan. Alas-siyete pa lang ng umaga pero kailangan na nilang magising. Bukod kasi sa paglilinis ay tutulong din sila sa gawain sa kusina lalo na kapag naghahanda ng pagkain at pagkain din naman nila iyon. Nang matapos siyang magbihis ay wala ng tao sa kanilang quarters kaya dumiretso na lang siya sa labas ng kanilang guest house. Naabutan niya ang kanyang mga kasamahan na nasa may likod ng kusina at nakaupo sa kanilang dining table. Nangangape yata ang mga ito. Lumunok siya at saka tahimik na lumapit sa mga ito. “Hi! Ikaw si Fauleen di ba?” magiliw na bati ng babaeng may maiksing buhok na nakaupo sa isang upuan. Tipid na nginitian niya lang ito at tinanguan. Ngumiti ito pabalik sa kanya. “Upo ka,” anito at hinila ang isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD