Kagat-labing nakatitig si Fauleen sa kanyang mga pinamili kahapon sa divisorial. Nasa kanyang kama na ang mga pinamili niya kay Meding. Nasa carpet naman siya at naka-indian sit habang nasa kanyang harapan ang mga room decoration na pinagbibili niya. Sobrang dami noon na hindi na tuloy niya alam kung saan ilalagay ang mga iyon. Napakamot na lamang siya ng ulo habang pini-figure-out kung anong gagawin sa mga iyon. Panaka-naka rin ang kanyang tingin sa kanyang cell phone. Tinitingnan kasi niya kung online ba ang kaibigan niyang si Blaire. Kahit naman kasi gabi roon ay night owl iyong babaeng iyon. Gusto niya sanang makausap. Kailangan na rin talaga niya ng plano sa sarili niya. Hindi porket nakulong na naman siya rito ay pababayaan na lang niya ang kanyang naudlot na career sa New