Kinabukasan, maaga ulit na nagising si Fauleen. Alas-sais pa nga lang ng umaga at tapos na siya sa lahat. Nakapagbihis na siya at saka nakaligo na rin. Humarap siya sa kanyang full body mirror at inayos ang kanyang damit. Iyong suot niya ngayon ay isang black na shorts na hanggang tuhod at isang army green na t-shirt. Nakalugay lang ang kanyang buhok, wala siyang makeup at iyong walang brand na tsinelas lang din ang kanyang suot. Huminga siya nang malalim ‘Let’s get this over with now, Fauleen.’ Bumuga siya ng hininga at saka tuluyan nang lumabas ng kanyang kwarto. Pagkababa niya ay dumiretso siya para hanapin ang Yaya Meding niya. “Miss Fauleen? Ang aga niyo po yata!” tila gulat na gulat na tanong ng isang kasambahay nilang si Ana nang makita siya. Pinasadahan pa siya n