Halos hindi na mapakali si Fauleen nang bumalik siya sa kanilang mansyon nang hapong iyon. Pagkaalis na pagkaalis ng kotse ni Lincoln Lagdameo ay mabilis pa sa alas-lwatrong kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanilang fake na bahay. Gulat na gulat pa ang kanyang yaya nang aligagang mag-aya siya na umuwi na sila. Hindi niya nan ga ito nasagot sa sobrang pagmamadali niya kaya hanggang ngayon ay paulit-ulit ang tanong nito kung bakit parang natataranta siya. “Fauleen, ano ba naman iyang nangyayari sa’yo. Kanina ka pa diyan, a? Ano ba kasing hinahanap mo?” sunod-sunod na tanong ng Yaya Meding niya. Nakasalampak siya ng upo sa sahig ng kanyang kuwarto habang sini-search ang exact na address nito. Kinailangan niya nang matinding research dahil may mga balitang pinipeke raw nito ang tunay at