Hingal na hingal si Fauleen nang makarating sa bukana ng village. Napabuga na lang siya ng hininga at saka naitukod ang kanyang mga kamay sa kanyang tuhod habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Lincoln Lagdameo na halos mawala na sa kanyang paningin. Napapadyak siya sa inis. ‘Oh my god, Maria Fauleen! What were you doing?! Bakit ba kasi natanga ka pa roon?! Sana tinakbo mo na iyong sasakyan at sa kanya mo na mismo sinabing kailangan mo ng trabaho! Ugh!’ She groaned in frustration. Kung hindi lang sana siya natulala kanina at nakipag-eye to eye pa kay Lincoln at diretsong tumakbo siya rito edi nakausap na sana niya ito. Hindi siya mapapagod na tumakbo at parang timang na hahabulin ang isang sasakyan. Umirap siya at ipinagkuros na lang ang kanyang mga braso. Huminga siya nang mal