The next day, wala pang sunrise ay nasa dalampasigan na si Fauleen at nakaupo na sa buhanginan. Mas sarong lang siyang inuupuan habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod sa dibdib. It was four AM when she woke up and got out of bed. Gusto niyang mag-swimming ngayon kaya diretso siyang nagsuot ng swimsuit at cover up na see through. Their villa was just close to the beach, parang may ramp lang na nagli-lead sa beachfront galing sa villa nila kaya walking distance lang iyon. Hindi niya alam kung pina-reserve ba ni Lincoln itong buong portion kung nasaan sila kasi walang tao talaga. Pakiramdam niya nga sila lang ang naroon, e. Speaking of Lincoln, iniwan niya muna ang asawa niya roon sa villa nila dahil sobrang tulog pa nito dahil sa pagod. It’s their fourth day and she told hersel

