“Oh my gosh! Are you being serious, Maria Fauleen?” Isang irap ang iginawad ni Fauleen sa tanong ng kanyang tita. Humalukipkip siya at saka ipinagkuros ang kanyang mga hita. Sumandal na rin siya sa likod ng kanyang inuupuang couch. Bumuga siya ng hininga at saka humikab. “Ayoko na bumalik doon Tita. He is just so impossible!” inis na sabi niya sa kanyang Tita. Nasapo niya pa ang kanyang ulo at halos gusto na lang niyang lumubog sa lupa para ilayo ang kanyang sarili sa kahihiyan. Sobrang fresh pa sa kanyang utak ang nangyari kanina sa bar. It’s already almost 12 o’clock at ni hindi niya akalaing nandito pa at gising pa ang kanyang Tita Ave at hinihintay pala talaga siya. Hindi niya talaga makakalimutan iyong nangyari kanina. Sobrang hiyang – hiya siya na para pa siyang nabato talaga s