Nakangusong pinagmasdan ni Fauleen ang mga business magazines at business newspapers na nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nakadapa sa kanyang kama habang hinihimay-himay ang mga iyon. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo habang iniisa-isa ang mga iyon. Tiningnan niya ang kanyang orasan at halos mag-aala-sais pa lang ng umaga pero gising na gising na siya at ito na nga ang kanyang kinakaharap. Hindi ito ang usual na gising niya, obviously. Pero dahil sobrang aburido na siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon ay ginusto niyang simulant na talaga ang lahat ng ito ngayon. Kailangan na talaga niyang seryosohin itong si Lincoln Lagdameo dahil kahit may plan b siya, hindi rin naman siya basta-bastang makakaalis pa lalo na at wala pang response ang kanyang mga pinag-apply-an. Bumuntong