“Ano naman itong pagmi-meetingan natin, Fauleen?” Iyon agad ang bungad ng Tita Ave ni Fauleen nang dumating ito sa bahay nila. Wala pa ang mga tito niya. Ang kasama na niya roon ay ang dalawang pinsang babae, dalawang kuya niya kasama ang mga asawa nito, daddy niya at ang tita niya. Nasa living room silang lahat at naghihintay sa kanyang sasabihin. Prenteng nakaupo naman siya sa pang-isahang upuan habang nasa harapan niya ang mga ito. “Can we just start, Fauleen? Parating na rin naman ang mga tito natin,” sabi pa ni Faye, halatang naiirita na. Hindi siya sumagot. Nanatiling straight ang kanyang tingin habang dina-drums ang kanyang mga daliri sa armrest ng inuupuan niyang sofa. Narinig niya pang umungot ang pinsan niyang babae. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at