“Fauleen, pinatawag mo raw ako?” Agad na napabalikwas ng bangon si Fauleen nang makita niya ang pagdukwang ng ulo ng kanyang yaya sa pintuan niya. Tipid na nginitian niya lang ito. Kumunot ang noo ng kanyang yaya pero agad din naman itong pumasok at lumapit na sa kanya. Bumuntong-hininga siya at umusog. Tinapik niya pa ang space sa kanyang tabi para paupuin ito. Mas lumalim ang kunot ng noo ng kanyang yaya habang nakatitig sa espasyo sa kanyang gilid. Ngumuso siya rito. Umupo ito roon at agad siyang inakbayan at hinagod ang balikat niya. “Bakit? Anong problema, ha?” tanong nito sa kanya. Nakagat niya ang kanyang labi at saka siya sumandal sa balikat ng yaya niya. “May plano na po kami para sa Lincoln Lagdameo na iyon,” panimula niya. “O, mabuti naman kung ganoo