“O, sige, iyang tubong iyan, itapat mo sa may baga tapos hipan mo para mag-apoy.” Bumuga ng hininga si Fauleen at saka sinunod ang sinabi ng kanyang Yaya Meding. Itinapat niya ang makapag na plastic na tubo sa bagang nasa gitna ng mga panggatong at hinipan iyon. Makailang beses niyang inulit iyon at ang lalaki na ng patak ng kanyang pawis. “Kaya mo pa ba? Ako na lang,” ani ng kanyang yaya pero agad niya itong pinigilan. “Kaya ko ito, ya. Wait lang.” Huminga siya nang malalim at saka humugot ng maraming hangin bago muling ginawa ang pag-ihip. Ibinuhos na niya lahat ng kanyang lakas doon kaya sa wakas ay nag-apoy na rin iyon. Halos mapatalon pa siya sa sobrang saya. Hindi na niya alintana ang init at ang malagkit niyang pakiramdam. Natawang yumakap sa kanyang ang kanyang