"Shet! Ito pala iyong tambayan ng mayayaman!" "Ay sinabi mo pa!" "Nakakaloka, makakabingwit yata tayo ng prince charming dito, Jena!" "Che, tumigil ka Wena, may jowa na ako, no!" "Ito naman ang KJ! Basta maghahanap ako!" Hindi mapigilan ni Fauleen ang mapatawa kina Jena, Wena at Petra. Napailing na lamang siya habang inaayos ang kanyang dalang isang basket at naglalakad sila papunta sa isa sa mga cottage dito sa golf field na palaging tinatambayan ni Lincoln. Sunday ngayon at sa halip na gabi pa ang kanilang uwi sa mansyon ay umaga pa lang nasa bahay na silang lahat. Bale isang araw lang talaga ang day off. Hindi rin naman siya umuwi ng mansyon nila at sa pekeng bahay siya umuwi kaya mabilis lang din siyang nakabalik sa mansyon. Tinupas na nga ni Lincoln ang pangako nito sa kanilan

