"Sir, kailangan po ba talaga akong sumama sa golf niyo ngayon?" Hindi pa rin makatingin nang diretso si Fauleen kay Lincoln habang sinasabi iyon. It was a Sunday morning at sobrang aga lang naman siya nitong ginising dahil mag-go-golf daw ito at kasama siya. Gusto man niyang-mag-tantrums at magdahilan ay hindi niya naman magawa. Ewan ba niya, wala siya sa mood umakting nang umakting ngayon dahil sobrang fresh pa sa utak niya ang kahihiyang dinanas niya kahapon. She just blatantly told him that he's cutie and god knows kung anong mukha niya habang sinasabi iyon! Pahamak kasi iyong mga titig, e. Para siyang nahihilo na ewan na nawawala siya sa sarili niya. Buong gabi lang naman siyang inasar ni Lincoln doon. Sa tuwing magtatagpo ang mga tingin nila ay nginingisihan siya nito o di naman k

