Kinabukasan. Naalimpungatan si Fauleen nang biglang tumama sa kanyang mukha ang napakataas na sikat ng araw. Agad siyang bumangon at nagkusot ng mga mata. Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil hindi naman siya nakatapat sa bintana, so nakakapagtakang nasa mukha niya ang sinag ng araw. Nang maka-adjust na ang kanyang mata sa araw ay agad niyang tiningnan ang kanyang gilid at ganoon na lamang ang gulat niya nang may nakitang bedside table doon. 'Kailan pa kami nagka-bedside table?!' Nanlaki ang mga mata niya at agad na inilibot ang tingin sa buong paligid. Halos kumalabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaba nang mapagtantong wala siya sa kwarto nila sa guest house! Napasinghap siya at agad na napatayo. Nilingin niya ang kamang inuupuan niya kanina at ganoon na lamang amg pagsigaw ni

