Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Fauleen. Hindi niya alam kung bakit hindi pa nagsasawa ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Nakatayo pa rin siya sa harapan ni Lincoln at nakatitig pa rin ang lalaki sa kanya. "S-Sorry...I-I'm s-sorry…" halos pumiyok na sabi niya. Ni hindi na niya mabilang kung ilang beses niya nang paulit-ulit na sinabi iyon. Hindi pa rin sumasagot si Lincoln. Nakita niya ang pagkuyom ng kamay nito. "Sorry? Huh. Really now. Are you really sorry or you're just sorry because you're caught, huh?" Hindi siya nakapagsalita. Yumuko na lang siya at umiyak nang umiyak. Ang bigat-bigat sa kanyang pakiramdam. Parang hindi na siya makahinga sa sobrang bigat ng kanyang dibdib. "I trusted you, Fauleen. I f*****g trusted you! I opened myself to you and this is what you will r

