Hindi nagtagal ang meeting at wala rin naman halos naintindihan si Fauleen sa mga pinag-usapan, pero nakinig pa rin naman siya. She wasn't raised to be a businesswoman. Wala nga kasing balak ang ama niyang ipagkatiwala ang negosyo sa kanya. "Uhm, Lincoln, hijo, are you sure that you two are not available for lunch? I mean you can go to your appointment after it." Abot-tenga na naman ang ngiti ng kanyang Tita Ave. "No thanks. We'll head to the hospital, anyway. Fauleen wants to visit her dad." Binalingan siya nito at tinapik pa ang kamay niyang nakaangkla sa braso nito. Nag-iwas lang siya ng tingin at bahagyang yumuko. "Ohh...okay. Uhm, papunta rin naman kami nina Faye at Fiery roon. See you there, then?" "Yeah, sure." Nauna silang maglakad ni Lincoln. Hindi na rin siya nagsalita p

