“Hey, you didn’t eat dinner.” Mabilis na naalimpungata. At napabangon si Fauleen nang marinig ang baritonong boses na iyon. Napahawak pa siya sa kanyang ulo nang bahagya siyang makaramdam ng hilo dahil sa biglaang pagbangon. Mariing pumikit siya at agad na ikinurap-kurap ang mga mata. Nang maka-adjust ay agad niyang inilibot ang tingin at natigilan pa siya nang makita si Lincoln na nakaupo sa may paanang niya. Ngumuso siya at agad na napaupo nang maayos inilaylay niya sa kama ang kanyang dalawang wala. “Sorry, nakatulog ako,” sabi niya rito at sinulyapan pa ang kama. Nandoon pa rin ang gamit niya kanina. Nakalatag pa nga ang sketchpad niya pati iyong mga magazines at iyong laptop niya rin na nasa tabi pa rin. Hindi na niya maalala kung paano siya nakatulog, basta ang natatandaan lang n

