“Welcome to your new home,” Lincoln said the moment Fauleen and Meding entered the Lagdameo Mansion. Naiiwas na lang ni Fauleen ang kanyang mga tingin nang sumalubong sa kanya ang mga kasambahay na nakatayo sa living room, ang mga taong minsan na niyang naging kaibigan noon. Walang nagsasalita sa kanila pero ramdam na ramdam niya ang titig ng mga kasambahay sa kanya, lalong-lalo na ni Sally. Magkatabi silang nakatayo ni Meding. Gabi na at mag-aalas nuebe na yata. Hindi pa rin sila nakabihis ni Lincoln. Pagkatapos kasi ng reception nila ay nagkaroon pa ng photo ops at nag-last minute pa sila ng packing. Huminga siya nang malalim. Tumikhim si Lincoln at humarap sa kanya. Nakagat niya pa ang kanyang labi nang hinapit siya nito palapit dito. Nakapulupot na ang isa nitong braso sa kanyang

