Aligagang-aligaga ang mga tao sa mansyon ng mga Vargaz kinabukasan. Halos maging piyesta ang handaan mula umagahan hanggang tanghalian nila. Sobrang siksik din ng schedule. Lahat ng tao masaya. Lahat ay nagdidiwang maliban na lang kay Fauleen na halos buong araw ring nakakulong lang sa kanyang kwarto. “Hindi mo na naman ginalaw ang pagkain mo,” ani ng kanyang Yaya nang pumasok ito at hinatiran siya ng pantanghalian. Huminga siya nang malalim at saka tinanggal ang airpods sa kanyang tenga. Nilingon niya ito. “Wala pa po ba iyong coordinator? Sina Tita Ave?” tanong niya rito, binaliwala ang komento nito. Saglit na napatitig si Meding sa kanya. Tila pinag-aaralan ng matanda ang kanyang buong mukha at ekspresyon. Mula kahapon nang sinabi ni Lincoln sa kanyang Tita ang tungkol sa propos

