“Jusko! Fauleen! Saan ka ba nanggaling?! Bakit basang-basa ka?!” Iyon agad ang sumalubong kay Fauleen pagkarating niya ng mansyon galing mga Lagdameo. Halos maghalo na ang tubig ulan at ang kanyang mga luha. Basang-basa na rin ang buo niyang katawan na para bang sinadya niya talagang maligo sa ulan. “Mirna, tulong! Dalian mo! Kumuha ka ng tuwalya! Jusko itong batang ito!” Inalalayan siya ng kanyang Yaya Meding papasok ng kanilang bahay. Hindi siya nagsasalita. Yakap-yakap niya lang ang kanyang sarili habang akay-akay siya ni Meding at pinapayungan naman sila ng isang maid nila. Sobrang lakas ng ulan at ramdam na ramdam na rin niya ang panunuot ng lamig sa kanyang katawan. Paanong hindi siya lalamigin, e, kanina pa siya nasa ulanan. Right after that scheme with Lincoln Lagdameo, the c

