Hindi pamilyar na kwarto ang nasilayan ni Jillian ng buksan nya ang kanyang mga mata. Medyo nakaramdam pa sya ng hilo ng pilitin nyang bumangon buhat sa malambot na kama. Pero hindi na nya lang yon binigyan ng pansin ng sumagi sa isipan ang naganap kanina habang kasama nya si Jack. May tumakip sa bibig nya at may pina-amoy sa isang panyo dahilan ng kanyang pagkahilo bago sya nakatulog. At ang huling natatandaan nya ay ang binata na handa na sanang lumaban para sya ay ipagtanggol bago sya tuluyang nakatulog dahil sa epekto ng gamot na pinaamoy sa kanya. Nilibot nya ng tingin ang buong kwarto sa pag-aakalang kasama nya doon ang binata ngunit hindi nya ito nakita. Labis syang nakaramdam ng pag-aalala na baka kung anong nangyari na dito. Na baka kung anong nangyari dito ng subukan nitong luma

