AERIN "Uy, boodle fight! Namiss ko 'to. At ang sasarap ng food. Yay!" kung hindi siguro sariwa pa rin sa isip ko yung nangyari sa manggahan kanina, malamang, pareho rin nung kay Pining yung excitement na nararamdaman ko. Pero dahil nga iniisip ko pa rin yung pagiging marupok ko kanina, eto, nananahimik lang muna ako sa isang tabi. At ramdam ko na kanina pa may nakatingin sa akin, pero never kong sinalubong yung mga tingin n'ya. Nakakahiya kasi yung ginawa ko eh. "Wag ka munang atat, Pining Garcia, maya-maya pa magsisimula yung kainan. Tho, parang busog ka na naman, kumain ka na yata ng pipino kanina!" tawang-tawa naman yung lahat sa sinabi ni Klarisse lalo na nung namula sila Pining at Charity. Lakas! "H-hi-hi-hindi ah." grabe naman, hindi talaga obvious na totoo yung narinig namin. Hi