OLIVIA "I thought you two are okay na. Eh bakit after nung trip natin sa Batangas bigla kang tumahimik na lang? Tapos, nagkulong ka na dito sa kwarto mo. At ngayon, para kang batang inagawan ng laruan na nagmumukmok d'yan sa isang tabi? Don't tell me dahil yon sa sinabi ni Cardo. Affected much?" I wanted a 'me time' kaya hindi ako lumalabas ng kwarto after naming umuwi galing sa Batangas. Akala ko, walang manggagambala sa akin. I forgot about my nosy sister. Without looking at her, I said, "Go away, Sofia. Leave me alone." Akala ko, lalabas na s'ya dahil naramdaman kong tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa kama ko. Pero nagulat ako nang bigla s'yang pumwesto sa harap ko habang nakabalot sa kanya yung kumot ko. At mas lalong kumunot yung noo ko nang biglang kumanta at sumayaw yung bruha sa