Ibinalik ni Princess ang mga damit niya sa maleta niya nang biglang may tatlong katok ang dumating sa pinto nila na ikinatigil niya. Kumatok ulit ang tao sa pinto kaya tumayo na siya at naglakad papalapit na kumakabog ang dibdib niya dahil sa kaba at dahil baka ang parents niya na ang nasa tapat ng tinutuluyan nila. "Sino 'yan?" kalmadong tanong ni Princess. "Si Aleng Edna ito, Hija! May ibibigay lang sana ako," tawag ng matandang babae sa labas. "Ah. Okay po," nakahingang malalim at maluwag na sagot ni Princess ng maayos at binuksan ang pinto. "Hello po," bati niya na nakangiti sa matandang babae. "Hello. Gusto mo ba, hija? Nagluto ako ng adobo, baka magustuhan niyo. Sobra kasi, eh. Sayang naman kung itatapon ko," alok ni Aleng Edna na ngumiti rin kay Princess. "Salamat po, Aleng Edn