Pagkalagpas ng gate ay mabilis na tumakbo ang dalawa patungo sa sasakyan at umalis na sila. ... "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Princess sa boyfriend niya. "Hindi ko rin alam pero kahit saan okay lang ako basta magkasama tayo," he sweetly replied at kinuha ang kamay ng girlfriend niya and they interlaced their hands. Napangiti naman si Princess at hindi na nagtanong dahil may tiwala naman siya sa boyfriend niya at tulad ng sabi niya ay kahit saan okay lang din siya basta magkasama sila. Malapit na mag-umaga pero hindi pa rin sila nakakahanap ng matutuluyan hanggang sa nakatulog na si Princess dahil sa tagal ng biyahe nila habang si Alek ay napangiti nang makita ang maamong mukha ng girlfriend niya. Maya-maya ay itinigil niya ang sasakyan sa isang inn house, bumaba siya at