Tumayo sa likod ng pinto si Princess at nag-ayos ng bahagya para hindi halata na may kasama siyang ibang lalaki. She breathed in first to calm herself down at nang sa tingin niya ay maayos na ang lahat ay saka niya binuksan ang pinto at hinarap si Nanny Deli. "Yes, Nanny Deli? Ano po 'yun?" inosenteng tanong ni Princess. "May naririnig ako na boses. Umuungol. Ikaw ba 'yun?" pag-uusisa ni Nanny Deli at sinipat ang buong kwarto ng dalaga pero wala siyang nakita na kung anuman na kahina-hinala. "Ay, ayun ba? Nanonood kasi ako, Nanny Deli sa laptop ko and...may bed scene. 'Yun ata po ang naririnig ninyo," nahihiyang sabi ni Princess pero sa totoo lang ay nahihiya siya na narinig ni Nanny Deli na umuungol siya. "Ah. Iyon nga ata ang naririnig ko. Akala ko may kasama ka rito sa kwarto mo, eh