Princess's Matapos ng usapan namin ni Nanny Deli ay kinabukasan bumisita si Alek dito sa bahay at binati niya siya ng maayos treating her like my real mother since Nanny Deli is the one with me right now. Kinilatis naman siya ni Nanny Deli at tinanong ng tinanong ng kung anu-ano habang ako nakikinig lang sa kanila and let her interrogate him. “Saan ka galing?” she inquired. “I’m from America,” he answered and smiled. “May asawa ka na ba? Or girlfriend sa America?” pag-uusisa ni Nanny Deli na siningkitan niya siya ng mata. “Wala po. I’m single,” magalang at walang pag-aalinlangan na sagot ni Alek. Sabi ko na nga at single siya. Ang swerto ko sa kaniya. “Walang anak?” “Wala po. Pero may balak po,” palabirong sabi ni Alek sabay tingin sa akin. Napangiti naman ako at pakiramdam ko umi