Celestine's Point of View
Napatitig ako sa paligid pagkalabas na pagkalabas ko ng airport. Anim na taon na magmula nang umalis ako. Ang dami nang nagbago. Pero kung mayroon mang hindi, iyon ay ang nararamdaman kong sakit at pagsisisi. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat na dala ng nakaraan. I am still stuck and I know that I can never pull myself out.
"Mom, is this Pilipinas?"
Yumuko ako nang hilain ng anak ko ang laylayan ng suot kong damit. I couldn't stop myself from smiling after hearing how adorable his question was. Inosenteng tumingin sa akin ang kulay bughaw niyang mga mata.
"Yes, anak. This is Pilipinas. This is where your mom was born," sagot ko sa kanya bago siya kinarga. Medyo nahirapan na ako dahil may kabigatan na rin siya. "This is where I grew up."
"I don't think I'll like it her, Mom. It's too hot," reklamo niya.
"Well, that's because you're wearing a coat, my dear," sabi ko bago siya ibinaba para hubarin ang suot niyang coat. "You'll get used to the climate after a few days. Don't worry," paninigurado ko sa kanya bago ko pinunasan ang noo niya na nagsisimula nang magpawis.
"Mom, is is true that I'll meet my daddy here?" biglaan niyang tanong.
Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon sa akin. He started asking about the whereabouts of his father when he was five; when he started going to school.
"And who told you that?" tanong ko sa kanya.
"Auntie Veronica told me that my daddy might be here, and the reason why we came here is to meet him," sagot niya sa akin.
Natampal ko na lang ang noo ko dahil hindi talaga kayang pigilan ni Veronica ang bibig niya. "Anak, your daddy is no longer in this world," sagot ko sa kanya. "I already told you that, didn't I?"
Ngumuso siya sa akin. "You're lying. I know when you're lying and when you're not!"
Natigilan ako. I got reminded of Soul. He used to say that to me.
I got back to my senses nang biglang tumakbo palayo ang anak ko.
"Sull!" tawag ko sa kanya pero hindi siya nakinig. "Sull, get back here!"
"No!" sagot niya. "You're bad! You're a liar!"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyon na sundan siya. "Sull, don't go that way!" sigaw ko sa kanya nang makitang papunta siya sa kumpol ng mga tao.
Napamura na lang ako nang hindi siya nakinig at sumiksik siya sa mga tao. Mabilis ko siyang sinundan hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tinablan na ako ng kaba nang hindi ko na siya makita kahit saan man ako tumingin.
"Sull!" sigaw ko. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko siya makita.
Nakagat ko ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyon na humingi na ng tulong sa security. Masyado pa namang malaki ang airport and who knows what might happen to my son if ever he bumps to someone that might take advantage of him.
"He looks like this..." Nagsimula akong magpaliwanag sa security nang i-accommodate nila ang concern ko. I showed them pictures of my son para ma-identify nila agad. "Here's how you can contact me. I'll also keep looking for him."
"Okay, Ma'am. Kalma lang po muna kayo, mahahanap natin ang anak n'yo."
"How can I calm down?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Pero agad din akong humingi ng sorry sa kanila. "I...I did not mean to raise my voice. I'm just worried and frustrated."
Mabuti na lang at naintindihan nila ako. They proceeded on looking for my son. Kumilos na rin ako . I searched everywhere. And every minute that passes makes me feel more worried. Palala nang palala ang nararamdaman kong pagkabahala.
"Nasaan ka na ba, Sull..." bulong ko. Malapit na akong maiyak nang tumawag sa akin ang security.
"Hello, Ma'am? May natanggap po kaming report na may bata raw po na hinatid sa front desk and match po ang description na bigay n'yo."
Nabuhayan ano ng loob nang marinig ko ang balita. I immediately rushed my way sa front desk. May mga nabangga akong tao pero humingi lang ako ng paumanhin at nagtuloy-tuloy pa rin sa takbo.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa front desk. Agad kong inilibot ang paningin ko para hanapin ang anak ko. Hanggang sa mapagawi ang mata ko sa gilid kung saan may batang lalaki na umiiyak.
"Sullivan!" tawag ko sa kanya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Mas lalong lumakas ang iyak niya nang makalapit siya sa akin.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinahid ang mga luha. "Hush now, anak, mommy's here," sambit ko sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Everything is now okay. Don't cry na."
"M-Mom, I am sorry..." sambit niya sa pagitan ng bawat hikbi niya. "I...I am sorry."
"It's fine, honey. I understand why you did that. You don't have to apologize for it," pagpapatahan ko sa kanya.
"Kayo po ba ang ina ng bata?" tanong sa akin ng isang security nang makalapit ito sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Yes po. Paano po pala napunta rito ang anak ko?"
"May naghatid sa kanya rito," sagot naman ng security sa akin. "Nasa loob pa siya, kausap ang head namin. Hiningan kasi ng details para ma-contact in case na gusto n'yong magpasalamat."
"Can I see them now? Gusto ko pong magpasalamat nang personal."
"Sige po, Ma'am, walang problema. Saglit lang po, tingnan ko baka tapos na silang mag-usap. Dalhin ko na lang siya rito," sagot niya sa akin bago nagpaalam na umalis.
Habang hinihintay ang taong 'yon ay minabuti ko na munang punasan ang pawis ng anak ko. Mabuti na lang din at tumahan na siya.
"Ma'am nandito na po siya."
Tumango ako at hinarap ang security. Handang-handa na sana akong magpasalamat pero nang makita ko kung sino ito ay natigilan na lang ako. Tila nanumbalik ang lahat ng mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Maging siya ay nabigla rin nang makita ko.
Mapait akong napangiti. It's been six years since I last saw him. God, how I miss him so much.
Pero agad akong napailing. Agad kong inilagay sa likuran ko ang anak ko nang makita ko siyang napatingin dito. "T-Thank you for bringing my child here, sir," sambit ko at mabilis na tumalikod.
No, I can't let him see my son. I can't let him know that he's the father or I'll end up ruining our lives again.
Tama na ang isang beses na pagkakamali.
I can't afford to mess things up, lalo na ngayon na mas marami na ang masasaktan.