Celestine's Point of View
"When will you be back, Celestine?" Tumingin ako sa boss ko at pansin ko sa mga mata niya ang lungkot. Matagal na rin kasi akong nagtatrabaho sa kanya at maraming projects na rin akong nagawa na nagpaugong sa pangalan ng kompanya. I had a few hit collaborations with big brands across the world and that gained her company a reputation in the fashion industry.
"I'll be back in six months, Sherry. I just want to bring my son to the Philippines and show him the place where I grew up," sagot ko sa kanya at ngumiti. "I want him to trace his roots and embrace his Filipino side since he has been exposed to European culture all his life."
Tumango siya sa akin bago may inabot na envelope. "Take this."
Hindi ko na kailangang tingnan pa ang loob ng envelope dahil alam ko nang pera ang laman no'n. She has been giving me bonuses lately, dahil takot siyang umalis ako sa trabaho lalo na't nakabili na ako ng properties. Last year, my biggest investment was a farm. It cost me millions but I didn't care, dahil alam kong doble ang balik sa akin ng ginastos ko. Farmers in foreign countries have more money than those who work in corporate companies. Iyon ang malaking pinagkaiba ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Sa Pinas kasi, ang baba ng tingin sa mga magsasaka—mahihirap; isang kahig, isang tuka. Pero dito, sila ang tunay na may pera.
I had to be wise with my money dahil hindi na lang sarili ko ang binubuhay ko; I have a child to raise. Kailangan kong masigurong may maiiwan ako sa kanya pagdating ng panahon. I don't want him to experience any hardships when it comes to money.
Isa pang rason ay para makontento siya sa buhay niya; para hindi na niya hanapin pa ang ama niya. I need to give him a life where he wouldn't think of ever knowing his father—hindi dahil sa ipinagdadamot ko sa kanya ang karapatang makilala ang ama niya, pero dahil pagod na ako sa gulo. I don't want to mess things anymore. Hindi na lang buhay ko ang masisira—marami. Things are way more complicated now that more people are involved.
And if you're wondering why I would still go back to the Philippines after all the pain and mess I have been through, then it was all because of my child—for his sake, not mine. Bilang magulang, gusto ko ring makilala ng anak ko ang kulturang kinalakihan ko. Gusto kong makita niya ang pinagmulan ko dahil malaki ang impact no'n sa paglaki niya.
Umuwi ako sa apartment namin at nadatnan si Veronica na tinutulungan si Sullivan na maghanda ng mga gamit niya. Veronica has been with me ever singe I got pregnant. She didn't leave my side and made me feel important. She made me see that she's more than a friend—she's greater than that. She filled the void left by Sarah.
Anim na taon na ang nakalilipas pero ni isang beses ay hindi kami nagkaroon pa ng komunikasyon ng kapatid ko. I tried messaging her, asking about her life and how she's doing, but I got no response. It seems like she has cut me off her life; that she still hates me for what I did—and it's completely understandable. Sino ba namang hindi magagalit doon, 'di ba? I ruined her life. I hurt her more than she could fathom.
Sa loob ng mga panahong 'yon ay paunti-unti kong tinanggap ang katotohanan na itinakwil na ako ng kapatid ko. Ilang taon din ang ginugol ko para makalimutan ang sakit. Ilang taon din ang kinailangan ko para buohing muli ang durog kong puso.
It took me years to move on; to accept the fact that I lost the only man I love and the only family I have. At ngayong buo na akong muli, I don't think I can see them again. Takot na akong makita silang muli dahil baka manumbalik na naman ang sakit na pilit kong kinalimutan.
"Mom, I'm ready!" masiglang sambit ng anak ko at patalon na yumakap sa akin. "We're finally going home to Pilipinas!"
Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "Yes, and we will tour around Pilipinas, anak. I'll take you to Boracay since you wanted to go there so bad."
"Yey!"
"Okay, now go to your room and make sure you didn't forget anything, okay?" sambit ko bago kumalas sa yakap.
Tumango lang siya at tumakbo papunta sa kwarto niya.
"Are you going to introduce his dad to him?" tanong sa akin ni Veronica nang makalapit.
"There's no way I'll do that, Ver," mabilis kong sagot at umiling. "I don't even know the whereabouts of that bastard," I lied. Hindi ko kasi talaga sinabi sa kanya ang totoo. I kept my lie going up until now because I don't want to complicate things even more.
"Celestine, you should tell your son about it; it's his rights," sambit niya sa akin. "You know he would look for him no matter what you do, right? He has been asking me about his father because he couldn't bring it up to you since he's scared you might feel bad about it."
Tumango lang ako sa kanya. "I'll think about it, Ver. And he's way too young for complicated things."
"You really should," sagot niya sa akin. "By the way, I have to leave now. I have to meet a client at 10:00."
"Okay. Thank you for taking care of my boy, Ver.
"No worries," aniya at ngumiti. "Have a safe flight."
"Thanks."
---
Napatitig ako sa paligid pagkalabas na pagkalabas ko namin ng airport. Anim na taon na magmula nang umalis ako. Ang dami nang nagbago. Pero kung mayroon mang hindi, iyon ay ang nararamdaman kong sakit at pagsisisi. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat na dala ng nakaraan. I am still stuck and I know that I can never pull myself out. But I am somehow glad that I only remember what happened but not everything I felt.
"Mom, is this Pilipinas?"
Yumuko ako nang hilain ng anak ko ang laylayan ng suot kong damit. I couldn't stop myself from smiling after hearing how adorable his question was. Inosenteng tumingin sa akin ang kulay bughaw niyang mga mata.
"Yes, anak. This is Pilipinas. This is where your mom was born," sagot ko sa kanya bago siya kinarga. Medyo nahirapan na ako dahil may kabigatan na rin siya. "This is where I grew up."
"I don't think I'll like it her, Mom. It's too hot," reklamo niya.
"Well, that's because you're wearing a coat, my dear," sabi ko bago siya ibinaba para hubarin ang suot niyang coat. "You'll get used to the climate after a few days. Don't worry," paninigurado ko sa kanya bago ko pinunasan ang noo niya na nagsisimula nang magpawis.
"Mom, is is true that I'll meet my daddy here?" biglaan niyang tanong.
Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon sa akin. He started asking about the whereabouts of his father when he was five; when he started going to school. Pero tumigil din siya matapos ang ilang buwan.
"And who told you that?" tanong ko sa kanya.
"Auntie Veronica told me that my daddy might be here, and the reason why we came here is to meet him," sagot niya sa akin.
Natampal ko na lang ang noo ko dahil hindi talaga kayang pigilan ni Veronica ang bibig niya. "Anak, your daddy is no longer in this world," sagot ko sa kanya. "I already told you that, didn't I?"
Ngumuso siya sa akin. "You're lying. I know when you're lying and when you're not!"
Natigilan ako. I got reminded of Soul. He used to say that to me.
I got back to my senses nang biglang tumakbo palayo ang anak ko.
"Sull!" tawag ko sa kanya pero hindi siya nakinig. "Sull, get back here!"
"No!" sagot niya. "You're bad! You're a liar!"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyon na sundan siya. "Sull, don't go that way!" sigaw ko sa kanya nang makitang papunta siya sa kumpol ng mga tao.
Napamura na lang ako nang hindi siya nakinig at sumiksik siya sa mga tao. Mabilis ko siyang sinundan hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tinablan na ako ng kaba nang hindi ko na siya makita kahit saan man ako tumingin.
"Sull!" sigaw ko. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko siya makita.
Nakagat ko ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyon na humingi na ng tulong sa security. Masyado pa namang malaki ang airport and who knows what might happen to my son if ever he bumps to someone that might take advantage of him.
"He looks like this..." Nagsimula akong magpaliwanag sa security nang i-accommodate nila ang concern ko. I showed them pictures of my son para ma-identify nila agad. "Here's how you can contact me. I'll also keep looking for him."
"Okay, Ma'am. Kalma lang po muna kayo, mahahanap natin ang anak n'yo."
"How can I calm down?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Pero agad din akong humingi ng sorry sa kanila. "I...I did not mean to raise my voice. I'm just worried and frustrated."
Mabuti na lang at naintindihan nila ako. They proceeded on looking for my son. Kumilos na rin ako . I searched everywhere. And every minute that passes makes me feel more worried. Palala nang palala ang nararamdaman kong pagkabahala.
"Nasaan ka na ba, Sull..." bulong ko. Malapit na akong maiyak nang tumawag sa akin ang security.
"Hello, Ma'am? May natanggap po kaming report na may bata raw po na hinatid sa front desk and match po ang description na bigay n'yo."
Nabuhayan ano ng loob nang marinig ko ang balita. I immediately rushed my way sa front desk. May mga nabangga akong tao pero humingi lang ako ng paumanhin at nagtuloy-tuloy pa rin sa takbo.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa front desk. Agad kong inilibot ang paningin ko para hanapin ang anak ko. Hanggang sa mapagawi ang mata ko sa gilid kung saan may batang lalaki na umiiyak.
"Sullivan!" tawag ko sa kanya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Mas lalong lumakas ang iyak niya nang makalapit siya sa akin.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinahid ang mga luha. "Hush now, anak, mommy's here," sambit ko sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Everything is now okay. Don't cry na."
"M-Mom, I am sorry..." sambit niya sa pagitan ng bawat hikbi niya. "I...I am sorry."
"It's fine, honey. I understand why you did that. You don't have to apologize for it," pagpapatahan ko sa kanya.
"Kayo po ba ang ina ng bata?" tanong sa akin ng isang security nang makalapit ito sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Yes po. Paano po pala napunta rito ang anak ko?"
"May naghatid sa kanya rito," sagot naman ng security sa akin. "Nasa loob pa siya, kausap ang head namin. Hiningan kasi ng details para ma-contact in case na gusto n'yong magpasalamat."
"Can I see them now? Gusto ko pong magpasalamat nang personal."
"Sige po, Ma'am, walang problema. Saglit lang po, tingnan ko baka tapos na silang mag-usap. Dalhin ko na lang siya rito," sagot niya sa akin bago nagpaalam na umalis.
Habang hinihintay ang taong 'yon ay minabuti ko na munang punasan ang pawis ng anak ko. Mabuti na lang din at tumahan na siya.
"Ma'am nandito na po siya."
Tumango ako at hinarap ang security. Handang-handa na sana akong magpasalamat pero nang makita ko kung sino ito ay natigilan na lang ako. Tila nanumbalik ang lahat ng mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Maging siya ay nabigla rin nang makita ko.
Mapait akong napangiti. It's been six years since I last saw him. God, how I miss him so much.
Pero agad akong napailing. Agad kong inilagay sa likuran ko ang anak ko nang makita ko siyang napatingin dito. "T-Thank you for bringing my child here, sir," sambit ko at mabilis na tumalikod.
"Celestine?"
Mabilis kong hinila ang anak ko palayo dahil hindi na kami pwede pang manatili roon. Sullivan inherited most of his features from him. I can't let Soul take a longer look or he'll notice it.
I don't want to start a mess again.
May pamilya na siya. May anak. Ayoko nang guluhin pa ang buhay nila.
"Mom, who's that man? Why does he knows your name?" tanong sa akin ng anak ko.
"I don't know that person, anak," sagot ko.
"You're lying again, mom," sambit niya sa akin at ngumuso. "You know that person, don't you?"
"Y-Yes." Napilitan akong tumango dahil ayokong magalit na naman siya sa akin. "But we need to avoid that man since he's a bad person. Mommy doesn't want to associate herself with a bad person so that's why I avoided him."
"Really?"
"Yes, anak." May kung anong tinik ang tumusok sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon. I don't want to lie and make him hate his father, but I have to. If this will give us peace, then I am ready to live a life full of deceit.