Celestine's Point of View
Kakarating lang namin sa hotel na tutuluyan namin habang naghihintay ng next schedule ng flight namin, at hindi ko mapigilang manghina sa tagpong naganap kanina. I considered the probability of encountering anyone from my past but I did not expect to be this soon, kaya ganoon na lang ang epekto sa akin. I felt like all of the excitement and anticipation I had were drained to their last drop just after meeting Soul.
Hindi ko mapigilang mapailing. Sa lahat ng pwede kong makita, bakit siya pa?
"Mama, are you okay?" Napatingin ako sa anak ko nang hilain niya ang laylayan ng aking damit. Tumitig sa akin ang inosente at asul niyang mga mata at naghintay ng aking sagot.
Tumango ako at ngumiti. "Yes, anak. Mama is fine," sambit ko at hinaplos ang kanyang mukha. "I'm just tired from our flight."
"Let's take a rest, mama,” aniya bago ako hinila sa kama. "You need lots of energy, okay? You promised to take me to Bora."
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Bukas nang umaga pa ang flight namin sa Boracay. Iyon kasi ang unang ipinangako ko sa kanya at matagal na rin kasi niyang gusto na makita ang sikat na beach dahil parati niya itong nakikita sa TV. At ngayon ngang aksidente kaming nagkita ni Soul, mukhang mas mapapatagal ang pamamalagi namin doon.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang hotel na tutuluyan namin sa beach. I extended our stay since I don't want to meet Soul again anytime soon. Hindi pa ako handa sa mga posibleng mangyari, lalo na't hindi na lang sarili ko ang dapat kong isipin. At isa pa, bumalik ako ng Pinas para makapag-relax at maka-bonding ang anak ko. They're out of the picture, kaya hangga't sa kaya ko ay gagawin ko ang lahat para iwasan ang anumang pagkakataon na makita ko sila, kahit pa ang kapatid kong si Sarah.
---
"Are we there yet, Mama?" tanong ng anak ko habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan na sumundo sa amin mula sa airport. "I can see the sea already," dagdag niya at ilalabas na sana ang ulo mula sa bintana pero pinigilan ko siya at baka kung ano pang mangyari sa kanya.
"We're almost there, anak, so please behave, okay?" malambing kong paalala. "Don't worry, once we get there, I'll let you play in the sea however you like."
Tumango lang siya sa akin bago ibinalik ang tingin sa labas. Kay laki ng ngisi niya habang pinagmamasdan ang karagatan. Hindi naman ito ang unang beses niyang makapunta ng dagat, pero iba kasi sa ibang bansa. Hindi ko maipaliwanag pero hindi ko talaga magawang mag-enjoy sa beaches doon. Hindi kagaya rito sa Pinas na nakakawala ng stress.
At matapos nga ang halos kalahating oras ng biyahe ay narating na namin ang isang pribadong hotel. Medyo may kalayuan ito dahil nasa may burol na banda. Pagkababa namin ay unang bumungad sa akin ang napakalaking gusali na itinatayo 'di kalayuan sa tutuluyan namin.
"Mama, can I see the sea?" tawag sa akin ng anak ko habang hinihila ang laylayan ng aking damit.
"Not yet, anak. Come with mama first," sagot ko sa kanya dahil mag-aayos pa kami ng gamit at lalagyan ko pa siya ng sunblock dahil hindi pa sanay ang balay niya sa init dito sa Pinas.
Nang makapasok sa kwarto namin ay agad ko nang binihisan si Sull at nilagyan ng sunblock ang katawan niya. Nagbihis na rin ako at nagsuot ng two piece na pinatungan ko ng puting see through dress. Nagdala na rin ako ng sumbrero.
"You look so maganda, mama," aniya.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil kahit nahihirapan siyang magtagalog ay nagagamit na niya nang tama ang mga itinuturo ko sa kanya. Gusto ko kasing matuto siya ng Filipino dahil 'yon ang parating magpapaalala sa kanya ng pinagmulan niya.
"Salamat, anak," sagot ko sa kanya.
"W-Walang eneman," tugon niya. "Did I get it right?" tanong niya nang makita akong pinipigilan ang ngiti ko.
"Almost. It's walang a-nu-man," pagtatama ko bago ginulo ang buhok niya. "You're getting better. Let's go?"
Tumango lang siya at nauna nang lumabas. Agad ko naman siyang sinundan at baka saan pa siya mapunta. "Sull, don't run!" saway ko dahil medyo marami ding tao sa resort.
Mukhang hindi niya ako narinig kaya minabuti ko na lang na bilisan ang paglalakad para maabutan siya. Agad kong hinawakan ang kamay niya at dinala siya sa parte ng resort na walang masyadong tao. "Remember, don't go too far, okay?" paalala ko bago siya hinayaang magtampisaw sa dagat.
Tumayo lang ako sa ilalim ng niyog at pinagmasdan siyang maligo. Hindi ko kasi kaya ang init dahil tirik na tirk pa ang araw.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagdesisyon akong umupo at sumandal na sa puni ng niyog dahil nangangalay na ang mga binti ko. At hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.
Nagising na lang ako nang yugyugin ako ni Sull. "Mama, wake up! We need to alis na!"
Nagmulat ako ng mata at kunot-noong tiningnan ang anak ko. "Why? What's wrong, anak?" nagtataka kong tanong dahil kani-kanina lang ay halos hindi na siya makapaghintay na maligo sa dagat.
"I don't like it here anymore," aniya at ngumuso.
"And why is that? Did something happen?" tanong ko at tumingin sa paligid. "Did someone bully you?"
"No, that's not the reason, mama. It's ibang reason," tugon niya bago tumingin sa likuran. "I saw the bad guy a while ago," aniya at itinuro ang isang parte ng beach. "He was with other big guys and they were talking."
"Wait, anak," sambit ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Did some bad guys bully you?"
"No, mama. It's the bad guy we saw at the airport. I saw him," aniya.
Natigilan ako at napatitig na lang sa anak ko. "Are you sure, Sullivan?"
Tumango siya sa akin. "Opo."
Napamura ako sa aking isipan. Kung totoo ngang nakita ng anak ko si Soul, ay mukhang mali ang desisyon kong i-extend ang bakasyon namin dito.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at hindi mapigilang muling magmura dahil mukhang nagsisimula na naman akong paglaruan ng tadhana.