Celestine's Point of View "What are you doing here?!" Napatingin ako kay Soul nang marinig ko siyang magsalita. Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Tumingin siya sa akin at nagkasalubong ang aming mga titig. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "Soul..." tawag ko sa kanya. Ramdam kong tila may bumara sa lalamunan ko nang may maisip akong itanong sa kanya. Huminga ako nang malalim at ikinuyom ang mga kamay ko. Ramdam ko ang pagbilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" "Didn't he tell you yet?" Napatingin ako kay Sarah nang sumabat siya. She has this teasing grin on her face. "Shut up, Sarah!" sigaw ni Soul. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I feel so lost. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang dami kong gustong itanong pero

