Celestine's Point of View Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makarating kami sa pribadong isla na 'to. And so far, na-enjoy ko naman ang stay namin. The beach is clean and healthy. Walang kahit na anong bakas na napinsala ito ng industrialization. Puting-puti rin ang buhangin at ang daming water activities na pagpipilian. Araw-araw ay iba-iba ang ginagawa namin ni Soul. But one thing that I really love about this island is its fresh seafoods. Since the sea is healthy, healthy rin ang mga nahuhuling seafood. Kahapon nga ay sumama pa kami sa panghuhuli ng octopus at squids. We also went fishing. Sobrang saya ko nang makahuli kami ng malaking isda na siyang inulam namin during our lunch. Habang ang ibang seafoods naman ay inihanda para sa hapunan. I initially thought na kami la

