Chapter Four

2435 Words
"Miss. paki-katok nga yung babae sa loob ng CR? Kanina pa kasi siya sa loob eh!" Napakagat labi si Gelyn ng marinig niya ang sinabi ng babaeng nasa labas ng pinto. Mas lalo siyang pinawisan ng malamig at mas higit niyang naramdaman ang pag alburoto ng kanyang sikmura! "W-Wait lang po!" sigaw niya Naku po naman! Wait lang kasi girl! - aniya sa kanyang isip habang nag-coconcentrate siya sa pag-ire Mag te-trenta minuto na siya sa loob ng comfort room sa coffee shop na iyon. Paano ba naman kasi umagang umaga palang nag ice coffee na siya kahit wala pang laman ang sikmura niya! Nalamigan marahil ang kanyang sikmura kaya ngayo'y pawis na pawis na siya at hirap na hirap ilabas ang kanyang dapat ilabas. Mula umaga kasi'y tumambay na siya sa coffee shop na iyon hangang inabot na siya ng limang oras. Naka-tatlong ice coffee na din siya kakahintay sa kanyang prince charming. Hangang sa maramdaman nalang niyang kumukulo na ang kanyang tiyan at napatakbo nalang siya sa CR ng coffee shop. Anak ng patis panay hangin lang! Ang tagal ko naman manganak! "Miss? Is everything okay?" maya maya pa narinig niya ang boses ng isa sa mga crew ng coffee shop at kinatok nito ang pinto. "S-Saglit na lang po please!" Sigaw niya na may kahalong pag-ire Narinig niyang nagtawanan ang mga ito. Napalakas ata ang kanyang pag-sigaw. Jusko po. Wala na ata akong face maihaharap sa mga to! "Paki-bilisan nalang Miss mahaba na kasi ang pila" "O-Opo w-wait lang!" Napakapit sa sa dalawang gilid ng pader at doon niya binuhos ang kanyang lakas upang mailabas na ang paikot ikot sa kanyang sikmura. Nakahinga siya ng maayos ng sa wakas nailabas na niya ang kanina pa nagpapahirap sakanya. Agad niyang pinindot ang flush button. "Hay thank you Lord!" Aniya Ice coffee ang ama mo pero bakit naging negrong tskolate ka nang lumabas? - biro niya sa kanyang sariling dumi Kinuha niya sa kanyang bag pack ang kanyang wet wipes. Halos ubusin niya iyon upang masigurado lamang na nalinis niya ng husto ang kanyang sarili. Jusko mabuti nalang may wet wipes akong dala-dala! Naghugas siyang mabuti ng kanyang kamay. Halos ubusin niya din ang hand soap na nandoon. Buti naman may free-handsoap dito. Ang mahal mahal ng kape nila dito nakakasakit pa ng tiyan! Muli niyang pinindot ang flush button upang masiguradong malinis ang bowl bago siya nag spray ng baby cologne sa ere upang mawala kahit papano ang mabahong amoy ng kanyang dumi. "Miss ano ba?!" Kinatok siyang muli ng babaeng customer na mukhang ihing-ihi na rin. Napa-sign of the cross muna siya bago siya lumabas ng CR. Hiyang hiya siyang humarap sa mga ito lalo na nag-eskandalo pa ang babae Saglit niyang tinignan ang babaeng umuusok na ang ilong sa galit sakanya. Katabi nito ang isang babaeng crew ng coffee shop "My Gosh miss ang tagal tagal mo!" Halos itulak na siya nito palabas ng CR. at nagmamadali itong pumasok sa loob. bruhang babae to. Hindi makapag hintay. Mamaga sana ang pantog mo - aniya Pakiramdam niya gusto na niyang maglaho sa mga oras na iyon dahil karamihan este halos lahat ng tao sa coffee shop nakatuon ang atensyon sakanya! Ang iba sa mga ito'y pasimpleng pinagtatawanan siya! May tatlong babae din ang nakapila sa CR at mukhang naiinis din ang mga ito sakanya. "Miss okay ka lang ba?" Tanong ng crew sakanya. Mukhang mabait ito. Tabinging ngiti ang isinagot niya "O-Okay lang po ate. Pasensya na napatagal ang paglabas ng anak ko" Biro niya kahit hiyang hiya na siya "My Gosh nanganak ka sa loob? Nasaan ang baby mo?" Tanong ng isang maarteng babae na nakapila sa tapat ng CR Gusto niyang paikutin ang kanyang eyeballs dahil nasalo ata ng babaeng ito ang ka-vovohan sa mundo. "Joke lang po yun. Pero tignan mo kung nandoon pa sa bowl" Natawa rin ang babaeng crew sa pagiging palabiro niya. Naglakad na siya ng mabilis pabalik sa lamesang inuupuan niya. Ngunit nainis agad siya dahil malinis na ang lamesang iyon. Mukhang tinangal na ng mga crew doon ang ice coffee na iniwanan niya. "Anak ng patis sino nag tangal ng ice coffee ko?" pagmamaktol niya Wala siyang nagawa kundi umupo nalang muli sa upuan. Tinignan niya ang kanyang wallet kung makakabili pa siya ng isa pang kape dahil pinagbabawal ang pag tambay doon ng hindi customer. Ang ibig sabihin kailangan may bibilhin siyang kahit ano upang makatambay doon. Ngunit napasimangot agad siya dahil isang daang pisong papel nalang ang pera niya! Mukhang uuwi nanaman akong luhaan ngayong araw na to. Naroon kasi siya sa coffee shop na iyon dahil umaasa siyang masisilayan niya si Zach. Sabado pa naman ng araw na iyon kaya malaki ang posibilidad na magawi ito doon. Akmamg tatayo na siya ng mapalingon sa grupo ng mga babaeng nagtatawanan padin dahil sa kanya. Namukhaan niya ang isang babae doon dahil iyon ang eskandalosang babae kanina sa labas ng CR Aba chismosa pa pala tong babaeng to. Mamaga nga sana talaga ang pantog niya! Itinaas nalang niya ang kanyang kilay sa mga ito. "Miss beautiful!" Napahinto siya sa paglabas ng coffee shop ng marinig ang familiar na boses na iyon! Agad siyang lumingon sa pinang-galingan ng boses. Hindi nga siya nagkakamali! Ito nga ang bodyguard ni Zach Hoffman! Todo ngiti ito sakanya habang kumakaway pa ito. Napalunok siya ng makita niya ang katabi nito! Walang iba kundi si Zach Hoffman!!! Nagbabasa ito ng libro at nakasimangot ito. "Miss Beautiful halika dito!" Tawag sakanya ni Lucifer este Luper. Jusko po! Kanina pa ba sila dito?! Baka naabutan nila ang eskandalong ginawa nung babae sakin? Oh Noooo! Nag-alangan siyang lumapit dahil napansin niyang sinipa ng pasimple ni Zach hoffman ang paa ni Luper. Bahala na nga! Ang tagal ko hinintay ang price charming ko, Kakapalan ko nalang ang face ko! Lumunok muna siya ng tatlong beses bago siya lumapit sa mga ito. "Hi Miss Beautiful? Long time no see ha? mukhang paalis kana ha?" Napangiti siya dahil palabiro ito. Ngunit napatabinge din agad ang ngiti niya ng maalala ang perang pinaghahalikan niya noong isang araw. Naku po mukhang si Lucifer nga ang nagayuma ko! Bwisit na love tips kasi yan! "P-Pauwi na nga ako." aniya Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso dahil nasa tapat siya ngayon ng lamesang inuupuan ni Zach Hoffaman! Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ito habang busy padin ito sa pagbabasa ng libro. As usual dinededma lamang siya nito. Gwapong gwapo ito sa suot nitong simpleng puting t-shirt na tinerno nito sa black short. Naka-white cap din ito at white rubber shoes. "Huwag ka muna umuwi miss beautiful. Ililibre kita" Ani Luper "S-Salamat nalang. Buo na din yung araw ko kasi nakita ko na si Zach" Alam niyang narinig iyon ni Zach. Todo ngiti naman si Luper "Aguy! Kinilig naman ako don!" Pang aalaska ni Luper. Muli itong nakatangap ng simpleng pagsipa kay Zach. "Pero Miss beautiful mamaya kana umuwi. Seryoso ako ililibre kita! Nagkaroon kasi ako ng dalawang libong piso dahil sayo. Dito kana umupo sa lamesa namin" "S-Sige ba!" Pag sang ayon niya. Tinodo na niya ang pagkapal ng kanyang mukha. Dahan dahan siyang umupo sa upuan katapat ng upuan ni Zach. Hindi parin ito tumitingin sakanya. "Wait lang miss beautiful oorder lang kita. Anong gusto mo?" tanong ni Luper sakanya "Kahit ano huwag lang malamig" Sagot niya Napangiti naman ng todo si Luper "Ay oo nga baka imbis na trenta-minuto ka sa loob ng banyo baka maging isang oras pa!" Biro ni Luper Para tuloy gusto niyang lumubog sa kina-uupuan niya! Tama pala ang hinala niya kanina pa ang mga ito doon at nakita ng mga ito ang nangyari. Namula ng husto ang kanyang mukha. Doble ang hiyang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya napahiya siya ng todo sa harapan ni Zach Hoffman! Nang lumakad na si Luper upang umorder ng makakain niya. Napayuko na lang siya dahil hindi niya kayang tignan si Zach Hoffman. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya "K-Kanina pa ba kayo dito?" Lakas loob na tanong niya kay Zach Hoffman Hindi ito sumagot. Nanatili lang itong nagbabasa ng libro. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon titigan ng husto ang gwapong mukha nito. Napansin niyang mahaba ang pilik mata nito at napakaganda ng matangos nitong ilong . Halos wala din itong pores sa mukha nito halatang alagang alaga ng facial salon ang balat nito. Ngunit ang nakakapanghina sa lahat ay ang namumula-mulang labi nito! "K-Kamusta ka Zach? Natatandaan mo ba ako? A-Ako si Gelyn Palma-" "Lagi ka ba talagang nagpapakila ng paulit-ulit?" Putol nito sa sinasabi niya Napahawak siya sa dibdib niya. Bigla kasing tumalon ang puso niya "Huwag mo naman ako ginugulat Zach. Naka-scotch tape lang ang puso ko baka atakihin ko" Sambit niya habang hawak hawak ang kanyang dibdib Napakalakas kasi ng t***k ng kanyang puso. Akala niya kasi hindi siya papansinin nito. Kaya nagulat siya ng magsalita ito. Hindi na ito sumagot sa kanyang sinabi. "H-Hindi naman ako nagpapakilala ng paulit ulit, Sayo lang kasi baka hindi mo ako natatandaan, Alam ko naman maraming babaeng lumalapit sayo kaya baka hindi mo ako natatandaan. Masaya ako kilala mo na pala talaga ako" Napakagat labi pa siya sa sobrang saya niya. Kung wala lang ito doon baka tumili pa siya. Hindi nanaman ito sumagot. Ngunit ayos lang sakanya. Malaya niyang tinititigan ang mukha nito. Pasimple niyang kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at pasimple niya itong kinuhaan ng litrato. Todo ngiti siya dahil maganda ang nakuha niyang shot nito. Hindi pa siya nakuntento at pasimple din siyang nag selfie kasama ito. Ngunit halos maibaksak niya ang kanyang cellphone dahil nakatingin ito sa camera at nakasimangot! "S-Sorry!" Agad niyang itinago ang kanyang cellphone. Nakasimangot lang ito at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa nitong libro. Sakto naman ang pag dating ni Luper dala dala nito ang isang strawberry slice cake at isang baso ng warm milk. "Miss beautiful heto na ang food mo" "S-Salamat Lucifer este Luper!" Napatakip siya sa kanyang bibig dahil mali ang nasabi niya "Grabe ka miss beautiful nilibre na nga kita naging lucifer pa ang pangalan ko!" Pag bibiro nito. Halatang hindi naman ito nagalit. "Pasensya na. Iyon kasi ang katunog ng pangalan mo" Biro niya din kay Luper Napansin niyang tumaas ang sulok ng labi ni Zach! Ngunit agad din sumeryoso. Napangiti ba ito? o guni-guni lang niya? "Ang liit liit mong babae ang sama sama mo. Ilang taon kana ba?" Tanong ni Luper sakanya "Sobra ka naman makaliit sakin. 5" flat ang height ko no! Sixteen palang ako" Sagot naman niya habang inumpisahan na niyang kumain ng strawberry cake. Wala pang laman ang sikmura niya kaya gutom na gutom na siya. "Sixteen? Parang twelve ka lang eh!" Pang aalaska pa ni Luper Sinimangutan niya ito "Sweet sixteen nako no!" "Aguy! Bagay pala talag kayo ni Bossing ko eh. Eighteen na siya mukhang bente otso pero disi-otso palang yan" Napapangiti siya dahil mukhang nirereto siya ni Luper kay Zach! Mukhang makakasundo niya ito ng husto kung sakaling boto ito para sakanya. "H-Hindi naman kami bagay ni Zach. Pero masaya nako kahit maging kaibigan niya lang ako" "Aguy! Parang noong isang araw nagtapat ka lang ng pagmamahal kay bossing ngayon suko kana agad?" Napangiti siya dahil parang wala lang si Zach sa lamesa kung mag usap sila ni Luper. Halatang sinasadya din nitong tuksuhin si Zach. "H-Hindi naman sa ganoon. Mababaw lang kasi kaligayahan ko. Makita ko lang si Zach masaya nako. Sinuswerte nga ako ngayong week kasi dalawang beses ko na nakikita si Zach at nakakausap pa. Dati months pa ang binibilang ko bago ko siya matanaw" Balewalang kwento niya "Talaga! Idol mo talaga si bossing no?" "O-Oo naman matagal na." Nahihiyang sagot niya. "Swerte talaga ni bossing. Kung ako nagkaroon ng fan na katulad mo gegerlfrenin ko agad!" Natawa siya sa sinabi nito Nakakunot lang ang nuot ni Zach. Alam niyang nakikinig ito sa usapan nila ni Luper. "Wala pang nagiging nobya itong boss ko--Aray ko!" Sinipa kasi ito ng pasimple ni Zach sa ilalim ng mesa. "Aray naman bossing bakit mo naman ako sinipa. Nakakarami kana bossing ha!" Namimilipit ito sa sakit "May ipis" Maiksing sagot nito Natawa siya dahil parang magkabarkada lang ang mga ito kahit may edad na si Luper. "May ipis ka diyan eh ang linis linis ng coffee shop na to! Ikaw bossing ha! Nagseselos ka ata dahil kausap ko si Miss beautiful eh" Panunukso ni Luper kay Zach Tinignan nito ng masama si Luper kaya nawala ang mapanuksong ngiti nito. "Joke lang boss." Napakamot ito sa batok Napapangiti naman siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Mas lalo tuloy lumalalim ang pag ibig niya kay Zach dahil unti unti niyang nakikita ang tunay na kulay nito. Hindi lang pala ito basta basta gwapo mabait din ito. Dahil parang kabarkada lang ang turing nito sa mga tauhan nito. Naputol ang pagtitig niya kay Zach ng mag-ring ang cellphone niya Agad naman niya iyon sinagot. "Hello ma?" aniya "Hoy Gelyn panay lakwatsa nalang ba aasikasuhin mong bata ka! Dali-an mo umuwi kana! Nandito ang ninong mo may scholarship na i-aalok sayo!" "Ha Scholarship po?" tanong niya "Oo sa St. Catherine University! Kaya dalian mo na!" "Sa St.Catherine University?!" Napalakas na pag-ulit niya sa sinabi ng kanyang ina. Hindi niya kasi maitago ang sayang nararamdaman niya. Doon niya kasi talaga gusto mag aral dahil doon nag aaral si Zach Hoffman! Nabangit na niya iyon sa kanyang nanay noon. Ngunit hindi raw nito afford doon. "Oo nga sabi eh! Halika na umuwi kana huwag mong pag hintayin si Mayor!" Napatili siya! Ang ninong niya kasi ang mayor sa lugar nila. Noong pinanganak kasi siya araw iyon ng kapistahan ng bayan nila kaya naman nagkaroon siya ng benipisyo mula sa mayor noon Libre ang gatas at diaper niya noon bata pa siya at walang binayaran kahit magkano ang kanyang magulang sa hospital noong ipinanganak siya at higit sa lahat naging ninong niya pa ang mayor ng bayan nila! "Opo ma! Heto na po uuwi na!" Excited niyang sagot sa mama niya bago naputol ang koneksyon Todo ngiti siya "Luper sa skwelahan ako nila Zach mag aaral sa susunod pasukan! Uuwi nako salamat sa libre ha! Bye Zach my loves!" Nag flying kiss pa siya kay Zach kahit hindi siya nito tinitignan. Tumayo na siya at binitbit ang kanyang bag. Nagmadali na siyang sumakay ng jeep upang makauwi na siya agad. "Nako bossing sa school mo pala mag aaral si miss beautiful." Hindi kumibo si Zach at uminom lang ito ng kape. Napasimangot ito dahil lumamig na ang kape nito "Ayan kasi bossing bakit hinayaan mong lumamig ang kape mo." Todo ngiti lang si Luper habang tinutukso nito si Zach. Hindi nalang ito pinansin ni Zach. "At bossing kanina ka pa basa ng basa diyan eh baliktad yang hawak mong libro. Mabuti nalang hindi napansin ni Miss beautiful yan!" Namula agad ang pisngi ni Zach Hoffman ng marealize din nitong baliktad ang librong hawak nito "G-Ganyan lang talaga ako magbasa. Tara na nga" Tinunga nito ang malamig na kape bago ito tumayo. Tawa naman ng tawa si Luper at sinundan na nito si Zach palabas ng coffee shop. "Thank you for coming sir!" Anang crew sakanila. Dinedma lang ito ni Zach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD